Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
RK Bagatsing Jane Oineza The Swing

RK at Jane nagpaka-wild sa The Swing

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ADVANTAGE sigurong masasabi na magkarelasyon sina RK Bagatsing at Jane Oineza para hindi sila mailang o mahirapan gawin ang mga sex scene nila sa pelikulang The Swing na collaboration ng Star Music at MavX Productions

Pag-amin nina RK at Jane game na game sila sa mga ipinagawa sa kanila ng direktor nilang si RC delos Reyes. Wild nga kung ilarawan ng dalawa ang kanilang mga ginawa sa pelikula.

Tumodo sila sa nasabing sex-drama film na ang kuwento ay ukol sa mag-asawang gustong i-save ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng unconventional na paraan — at ito nga ay ang tinatawag na swinging o swapping (palitan) ng sexual partners.

Ang pelikula ay kinunan sa Switzerland kaya naman may mga Swiss actor na kasali sa pelikula at nakasama nina RK at Jane sa kanilang love scene.

Bago sumalang sa maseseland eksena, binigyan sila ng intimacy coach para mapadali ang mga eksena kasama ang mga aktor sa naturang bansa.

“‘Yung intimacy coach na ‘yon, ang trabaho niya is to make sure na lahat komportable.

“Walang lalampas sa mga set na limitations. So, kapag may direksiyon si Direk RC, pupunta sa intimacy coach, at ita-translate niya sa amin. Para walang gulatan.

“Hindi mo puwedeng biglain ang co-actor mo, na dahil naramdaman mo, puwede na!” ani RK.

Ipinaliwanag din ng kanilang direktor na hindi niya pinilit ang kanyang mga artista sa ilang eksena na maselan. Kung hindi raw komportable ang kanyang artista hindi niya ipinagagawa.

Kaya naman si Jane hindi masyadong nahirapan sa mga eksenang kailangan niyang maghubad at gawin ang maseselang eksena.

Hindi ako nahirapan, kasi naalagaan naman ako ng buong team. Every after ng eksena, tinatanong nila ako kung okey ako. Binibigyan nila ako ng robe. At bago ang eksena, tinitiyak nila na okay ako,” sambit ng aktres.

Ang The Swing ay kasama sa tatlong pelikulang collaboration ng Star Magic at MavX. Ang dalawa pa ay ang g I Love Lizzy nina Carlo Aquino at Barbie Imperial na mapapanood sa mga sinehan simula January 18 at ang Unravel nina Gerald Anderson at Kylie Padilla.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …