KAGABI muling napanood ng sambayanang Filipino si Kabayan Noli de Castro sa TV Patrol na naghatid ng mga nagbabagang balita.
Ang pagbabalik-TV Patrol ni Kabayan ay tamang-tama sa Kapistahan ng Nazareno na ibinalita niya ng live mula sa Quirino Granstand bilang selebrasyon ng Nazareno 2023. Isang deboto ng Nazareno si Ka Noli.
“Magkita-kita tayo sa Lunes. Live ho ako sa Quirino Grandstand para sa TV Patrol,” ani Ka Noli sa programa niyang Kabayan sa TeleRadyo noong Biyernes (Enero 6).
Nakasama ni Kabayan sina Henry Omaga-Diaz, Karen Davila, at Bernadette Sembrano sa paghahatid ng balita sa mga Filipino saan man sa mundo. Patuloy din siyang mapapanood sa kanyang public service show na Kabayanat ng morning newscast na TeleRadyo Balita kasama si Joyce Balancio sa TeleRadyo.
Napapanood ang TV Patrol mula Lunes hanggang Biyernes, 6:30 p.m., habang napapanood naman ang TV Patrol Weekend tuwing Sabado at Linggo, 6:00 p.m. kasama sina Alvin Elchico at Zen Hernandez.