Tuesday , December 24 2024
PORTASOLRain or Shine Drying Partne

PORTASOL: Rain or Shine Drying Partner

Ang pagpapatuyo sa araw ay isa sa mga pangkaraniwan at tradisyonal na pamamaraan ng pagpapanatili ng pagkain sa Pilipinas. Bagaman ang gastos ng proseso ay medyo mura, ang pagpapatuyo sa araw ay nagiging problema sa panahon ng tag-ulan. Gayundin, ang mga produktong pinatuyo sa araw ay mas madaling kapitan ng kontaminasyon sa mikrobyo dahil sa pagkakalantad sa hangin at alikabok.

Ang bawat butil ng palay ay katumbas ng butil ng pawis at pagod na inaalay ng ating mga magsasaka, ngunit madaming palay, mais at monggo ang nasasayang dahil sa hindi maayos na pamamaraan ng pagpapatuyo ng mga ani. Ang traditional na pagbibilad ng palay sa kalsada ay maaring magdulot ng 10 % loss sa kabuuang ani, ito ay nahahaluan ng dumi ng hayop at nadudurog ang bigas dahil sa maling sistema ng pagpapatuyo kaya bumababa ang kalidad at presyo nito. Sa panahon naman ng tagulan ay mabilis masira ang mga palay dahil sa mataas ang moisture content, bukod pa rito ang pagbibilad ng palay sa kalsada ay maaaring sanhi ng kapahamakan ng mga motorist.

Isang mabisang alternatibo sa pagpapatuyo ng mga palay at iba pang mga butil ang ngayon ay sikat na imbensyon ni Francisco Pagayon president ng Filipino Inventors Society Producer Cooperative (FISPC) na nagbigay daan upang malutas ang problema sa pagpapatuyo ng mga pananim. Kaalamaan na makapagbibigay ng pangmatagalang solusyon sa mga iniinda ng mga magsasaka.

Hindi nila lubos na inakala na mabilis, malinis at ligtas ang pamamaraan na ito kaya naman ikinagalak ito ng mga libu libong magsasaka at mangingisda.

Ang portasol ay ang sistema ng pagpapatuyo na tiyak na dalawa hanggang tatlong beses na mas epektibo kumpara sa makalumang pamamaraan. Gawa ito sa aluminum trays at PVC pipes kaya’t magaan at ligtas ito sa kalawang at madali rin itong linisin.

Ang drying rate ng palay sa portasol ay mas mataas ang recovery kumpara sa iba pang pamamaraan ng pagpapatuyo.

Gumagamit din ito ng natural solar power at conductive din ang material na gamit dito kaya pantay pantay din ang distribution ng init sa mga tray. Sa panahon naman ng tagulan maaring gumamit ng artificially induce heat galling sa uling at cinders. May sapat itong espasyo sa pagitan ng bawat trays upang mahanginan ang mga buti na nilalagay dito at para maiwasan na din ang pamumuo ng molds. Ang imbesyong ito ay maaring magamit tuwing umuulan sapagkat may takip ito bilang pananggalan sa ulan at sa mga ineskto nagsisiliparan. ang kagandahan nito ay hindi na nangangailangan ng malaking espasyo para ipatayo dahil sa madali nalang itong bitbitin at ipwesto kung kaya’t mas napapabilis din ang proseso ng pagani. Sa pamamagitan nito ay matutulungan ang mga magsasaka para maiwasan ang spoilage ng kanilanmg mga ani at tumaas ang kalidad at maibenta ito sa mas mataas na presyo. Para maiangat ang kanilang pamumuhay.

Dahil sa tulong ng Department of Science and Technology, kilalang ahensiya na naatasang magpaunlad pa ng mga imbensyon sa ating bansa at tinitiyak na ang Portasol ay ginhawa ang hatid nito kay Juan.Sa katunayan, 300 na piraso nito ang naipamahagi ng ahensya sa mga magsasaka at Small Medium Entrepreneurs na nangangailangan dito. Patuloy na inaaanyayahan ng DOST-RO2 ang mga magsasaka at SMEs na gamitin ang tamang paraan ng pagbibilad ng kanilang produkto sa pamamagitan ng Portasol.

#dostPH

#ScienceForThePeople

#dostPH

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …