Monday , December 23 2024
baby old hand

Sa Guinayangan, Quezon
BAGONG SILANG NA SANGGOL INABANDONA SA SEMENTERYO

NATAGPUAN ng isang residente ang isang bagong panganak na sanggol sa isang pampublikong sementeryo nitong Lunes ng hapon, 2 Enero, sa bayan ng Guinayangan, lalawigan ng Quezon.

Iniulat sa pulisya ni Joven Nuga, 39 anyos, residente ng Brgy. Dungawan Central, sa naturang bayan, nakita niya ang sanggol dakong 3:20 pm kamakalawa.

Sa pangunguna ni P/CMSgt. Alma Marie Cataquiz, nagresponde ang pulisya sa bisinidad ng sementeryo kung saan inabandona ang sanggol ng hindi pa kilalang ina.

Nakalagay ang sanggol, na hindi pa napuputol ang pusod, sa isang kahong walang takip.

Agad dinala ang sanggol sa Guinayangan Community Medicare upang masuri ng mga doktor.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at tinitipon ang mga kuha ng mga CCTV camera sa paligid ng sementeryo na maaring maging daan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng ina ng sanggol.

Gayondin, ipinaalam ng pulisya sa lokal na social welfare and development office ang tungkol sa inabandonang sanggol.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …