AABUTIN pa hanggang bukas, Huwebes, 05 Enero, bago maibalik ang flights operation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), inihayag ito ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Posibleng sa Huwebes maibalik sa normal bago ganap na maging normal ang flights operation sa mga terminal ng NAIA.
Kasunod ito ang pagbabalik ng Manila Air Traffic Management System, matapos resolbahin ng Aviation Authority ang pagkawala ng koryente na nakaapekto sa mga flight mula at papunta sa Filipinas.
Sinabi ni MIAA Acting General Manager Cesar Chiong, mayroon pang mga kanseladong flights dahil sa operational requirements ng mga airlines.
Punong-puno aniya ang mga flights kaya hindi ma-accommodate ang ilang pasahero.
Ipinaabot ni Chiong ang kanyang paghingi ng paumanhin sa abalang dulot ng hindi inaasahang pagkaantala sa flights operation.
Nagtutulungan ang MIAA at airlines companies para sa recovery flights matapos ang aberya dulot ng technical glitch. (RAFAEL ROSOPA)