Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tuesday, very proud na maihanay kina Nora at Angel

AMINADO si Tuesday Vargas na malaking karangalan para sa kanya ang makahanay sa nominasyon ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Bagamat ngayon pa lang unanimous prediction ng lahat na si Nora ang magwawagi bilang Best Actress na bida sa entry na Ang Kwento ni Mabuti.

Bale sa September 22 magaganap ang awards night ng CineFilipino Film Festival sa Resorts World.

Nang matanong si Tuesday, bida sa Ang Turkey Man Ay Pabo rin, ukol sa nominasyon, sinabi nitong hindi naman siya umaasa dahil alam niyang aside from Ate Guy ay naririyan pa si Angel Aquino na may entry din.

“Salamat po kung sakali, nakagugulat po iyon,” nakatawang sabi ni Tuesday at sinabi pang ang ma-nominate at makasabay si Ate Guy sa nominasyon ay isa nang karangalan para sa kanya.

Sinabi pa ni Tuesday na sa pelikulang Ang Turkey Man ay Pabo Rin ay kakaibang Tuesday ang mapapanood natin dahil, “Kasi, hindi ako madalas nakikita na nagseseryoso. Makulit ang character ko rito, pero makikita nila na kapag nade-develop na ‘yung story, makikita nila ‘yung other side ni Cookie (pangalan ng kanyang karakter), na malalim pala ang pinaghuhugutan,” anito.

Ito ang first lead and title role ni Tuesday kaya nagpapasalamat siya sa producer and director ng movie na si Randoplh Longjas sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya.

Kasama niya sa pelikulang ito si Travis Kraft, isang fillmaker/artist based in Los Angeles pero sumikat dito sa Pinas dahil sa video niya sa You Tube on how to cook adobo in heavy Tagalog accent. Kasama rin sa pelikula sina JM de Guzman, Julia Clarete at marami pang iba.

Ang Ang Turkey Man ay Pabo Rin ay may gala night sa September 19 sa Resorts World Manila at 6:15 p.m.. Mapapanood din ito on regular run sa Lucky Chinatown sa Binondo (Sept . 18, 20,  22,  24), Gateway Cinema (Sep.19, 21, 24),  Resorts World Manila (Sept. 21, 23), at EDSA Shangrila (Sept. 22).
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …