UNTI-UNTI nang umaakyat ang pabolosong sining ng drag sa mainstream sa iba’t ibang palabas –live man o online– at iniaangat nito ang mga artist at kanilang craft ‘di lang sa larangan ng entertainment.
Ang Fire & Ice Media Production, na kakatatag lamang na kompanya ng LGBT powerhouse couple – na kinabibilangan ng singer-songwriter na si Ice Seguerra at ang kanyang misis, ang aktres at dating Film Development Council Of The Philippines chairperson na si Liza Diño, ay mayroong pre-Valentine extravaganza na pagbibidahan ng Drag Race Philippines season 1 winner na si Precious Paula Nicole kasama sina Viñas Deluxe at Brigiding.
Mula sa kanilang tagumpay sa Aliw Awards para sa Best Stage & Musical Direction para sa anniversary concert ni Seguerra, nais itutok ng Fire & Ice Media ang spotlight sa sining ng drag sa Divine Divas: The Ultimate Drag Experience.
Ipakikita ng concert ang Philippine drag culture sa Pebrero 10, 2023, sa New Frontier Theater, Araneta City, Cubao. Itatampok rin ang iba’t ibang disiplina ng drag gaya ng impersonations ng music superstars gaya nina Beyonce at Lady Gaga gayundin ang mga orihinal na mga awitin na nilikha at binigyang buhay ng mga drag artist.
Higit sa kanilang pagtatanghal, nais ipakita ng concert ang makulay na buhay ng mga drag queen: mula sa kanilang paghihirap at tagumpay. Sapagkat sa ilalim ng glamorosong make up at magagandang kasuotan, isang taong nais na makita, irepresenta, mapakinggan, at mahalin.
Ayon nga kay Brigiding sa kanyang karanasan, “This is a very inspiring moment for me because I’ve never thought of this when I was younger, I’ve never seen someone like me when I was younger, but because I dreamed and believed, it’s happening. At ngayon naman, to be that inspiration to the younger queer artists and the LGBTQ community ay napakagandang bagay.”
Bahagi ng maraming dahilan para sa concert na ito ay ang paglagay sa sining ng drag sa mas malaking platform, sa mas malaking entablado na hindi limitado sa isang niche audience at piling manonood. “This is an opportunity for drag queens to be seen on the main stage and to be considered as mainstream artists. Fire &Ice wants to support that. Especially since we are part of the LGBT community. We deserve to be front and center and not just be on the sidelines. Sa pamamagitan ng concert na ito, we hope that more people will appreciate these drag performers and help normalize drag as a form of entertainment,” paliwanag ng producer na si Diño.
Para naman kay Seguerra, ito ay mahalagang yugto ng kasaysayan ng Philippine drag. “Nasa main stage na ang mga local drag queens natin. You see their names alongside mainstream artists and concert performers. For me, that’s a big thing because drag has always been on the sidelines. Has always been underground.”
Talagang oras na para mailagay sa sentro ang mga drag queen at oras na para rumampa sila sa mainstream stage.
Ang tickets para Divine Divas: The Ultimate Drag Experience ay P800 (Balcony B) hanggang P6,500 (SSVIP) at mabibili ito sa TicketNet (bisitahin ang http://www.ticketnet.com.ph
o tumawag sa 89115555). Co-produced ang Nathan Studios, isang production company na co-founded ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez. (MValdez)