Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kahit maraming diskontento, investment fund suportado
KAMARA KAKAMPI NG ‘MAHARLIKA’

121522 Hataw Frontpage

ni Gerry Baldo

HABANG umaani ng batikos ang Maharlika Investment Fund sa labas ng Kamara de Representantes , sinabi ni House Speaker Martin G. Romualdez, suportado ito ng karamihan ng mga kongresista.

Ayon kay Romualdez “multi-partisan” ang suporta para sa kontrobersiyal na panukalang isinusulong ng administrasyong Marcos.

Sa press briefing sa Belgium kasama ang media mula sa bansa, sinabi ng speaker, sa gitna ng mga pangamba sa panukala sinuportahan ito ng mga kongresista.

“The Majority Floor Leader (Manuel Jose Dalipe) told me that we had over 220 [co-authors] and I think by the time I get back baka umabot na ng 250. So there will be over two-thirds of the House who will be co-authoring because there have been exhaustive briefings,” ani Romualdez na kasama ni Pangulong Marcos sa Brussels, Belgium, na pinadausan ng ASEAN-EU Commemorative Summit.

Aniya, kahapon 246 kongresista ang gustong maging co-author ng panukalang batas na binabatikos ng mga tanyag na ekonomista ng bansa.

Ani Romualdez, nasa pangulo na ang pasya kung i-certify ito bilang “urgent bill” upang maipasa sa huli at pangatlong pagdinig bago mag-adjourn ang sesyon para sa Pasko.

Noong nakaraang linggo inamyendahan ng mga kongresista ang panukala para tanggalin ang Social Security System (SSS) at ang Government Service Insurance System (GSIS) bilang “funding source” ng Maharlika Investment Fund.

Umani ng katakot-takot na protesta mula sa mga miyembro ng SSS at GSIS ang panukala sa takot na mapariwara ang pera nila.

“Well, that’s up to him (President Marcos),” ani Romualdez.

Inamin ni Pangulong Marcos, sa kanya nanggaling ang ideya ng Maharlika Investment Fund bago lumipad patungong Belgium.

Giit ni Marcos, kailangan ng bansa ang karagdagang pamumuhunan para lumago ang ekonomiya.

“And as they say, especially when it comes to capital investment size, does matter, you need scale to participate in large projects, whether infrastructure, power even in the agricultural sector, you need, massive capital,” ani Romualdez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …