Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joey de Leon Toni Gonzaga Paul Soriano Loinie Carmi Martin

Toni iginiit ‘di itutuloy ang My Teacher kung hindi pumayag si Joey

HARD TALK
ni Pilar Mateo

HE won’t be a Pinoy Henyo for nothing!

At sa pakikipag-usap ni Joey de Leon sa media, kailangan mo lang na mabilis sa mga pick-up para mahinuha mo ang katuturan ng minsan ay joke ang dating at mayroon din namng deretsahang salita sa mga sinasabi niya.

May nagbanggit nga, ang tame-tame na raw ngayon ni Tito (yeah, hindi niya rin ako pamangkin). Dahil kung noong araw ito, soplang-sopla ka sa mga maibabalik niyang sagot sa ‘yo.

Umaasam ang mga kasama ng komedyante na sa papel na ginampanan niya sa My Teacher eh, magawaran ito ng tropeo sa gabi ng parangal ng MMFF o Metro Manila Film Festival.

Kung hindi raw ito tinanggap ni Tito Joey, malamang na i-shelved muna ito ng leading lady niyang si Toni Gonzaga na kasama ang better-half na si Paul Soriano, na siyang direktor ng pelikula eh, mga producers din sa kanilang TinCan at Ten17 Productions.

Para sa kanila, the timing is just so perfect. for Christmas. At mabigyang parangal ang unsang heroes sa katauhan ng ating mga guro.

Reminisce ang cast and direk sa mga naaalala nila about their teachers. Sinimulan ko na nga ang pag-usisa (muli) sa mga naikukuwento na ni Joey sa scenario na ‘yun lalo at ang kaklase niya sa elementarya ay si Lolit Solis.

Na madalas nga raw niya kaaway. At dinudutdotadutdot niya ng lapis sa kulitan nila.

May pagkakataon na bagsak siya, 65 ang grado. Pero dahil sa abilidad nadagdagan ng plus ten ang grado niya para pumasa. Dahil taal na ang pagiging artist, gumawa o gumupit ng mga letra sa commencement nila at pinaganda ito sa entablado.

Natuwa si Joey na nakasama ang mga bagets sa pelikula na sina Loisa Andalio, Ronnie Alobe, Pauline Mendoza, Isaiah dela Cruz and Kych Minemoto.

Dahil marami siyang natutunan sa mga ito. Lalo at hindi naman siya techie na nilalang.

Kung gusto niyong pagalitin si Joey  lalo sa set  dumating kayo ng late!

Tuluyan palang natodas ang isang show niya noong araw. ‘Yun ang titulo. T.O.D.A.S.

Dahil may mga dumating ng late, ipinatigil na lang niya ang show nila.

Very observant ang Pinoy Henyo. Sa pagbagtas niya sa mga kalye, napansin niya ang mga pelikulang isasali sa #MMFF2022. Nag-enumetate siya…’Yun daw Father, Father, ‘yung Matters. Pero bakit wala raw ang My Teacher!

Sinugalan din nina Joed Serrano, Dioceldo Sy ng Ever Bilena, Eureka Appliances  Hello Glow, at Winford Hotel ang pagsuporta sa pelikula.

May kasama.pa.pala sa pelikula. Ang Dental Diva na si Kakai Bautista.

Nag-uuwian na ang mga tao nang dumating ito sa bulwagan ng Winford.

Tawa nang tawa ang press. Pictorial na lang ito sa Christmas tree. 

Natakot daw kaya kasi late siya?

Valid naman ang reason. Galing sa isang trabaho. Best efforts naman!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …