Friday , May 9 2025
Gun Fire

Bombay binoga ng ‘rider’

MALUBHANG nasugatan ang isang Indian national sa dalawang beses na pamamaril ng hindi kilalang suspek, sakay ng isang motorsiklo sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan ang biktima na kinilalang si Kumar Sandeer, 35 anyos, residente sa Diam St., Gen T. De Leon, Valenzuela City.

Ipinag-utos ni Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging sa kanyang mga tauhan ang follow-up investigation para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek.

Sa pahayag ng saksing si John Andrei Arag, 35 anyos, pedicab driver kina Navotas police investigators P/SSgt. Reysie Peñaranda at P/Cpl. Billy Godfrey Aparicio, sakay siya sa kanyang pedicab habang nasa kanyang unahan ang dalawang motorsiklo sa stop light sa Lapu-Lapu Ave., corner Dalagang Bukid St., Navotas City dakong 9:50 am.

Nakita ng saksi na biglang bumunot ng hindi matukoy na uri ng baril ang suspek at dalawang ulit na pinaputukan ang biktimang bumagsak mula sa kanyang motorsiklo.

Sa kabila ng tama ng bala, nagawang makatayo ng biktima at agad sumakay sa kanyang motorsiklo saka minaneho patungong C4 Road at isinugod ang kanyang sarili sa nasabing pagamutan habang mabilis na tumakas ang suspek patungong C3 Road. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Santa Fe, Cebu

Sa Santa Fe, Cebu
Disqualification case inihain sa Comelec vs re-electionist mayor

NAHAHARAP sa kasong disqualification case (DQ) si Santa Fe, Cebu re-electionist Mayor Ithamar Espinosa dahil …

Pamilya Ko Partylist 1st Nominee Atty Anel Diaz

Kapag nanalo sa Kongreso
PAMILYA KO PARTYLIST TINIYAK BAYAN MUNA, WALANG UTANG KAHIT KANINONG POLITIKO

TINIYAK ni Pamilya Ko Partylist 1st Nominee Atty. Anel Diaz na wala silang babalikan ng …

TRABAHO Partylist lalo pang umangat sa Pulse Asia Survey

TRABAHO Partylist lalo pang umangat sa Pulse Asia Survey

PITONG ARAW bago ang nakatakdang halalan, naglabas ang Pulse Asia Research, Inc. ng survey kung …

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

ISANG grupo ng tricycle drivers mula sa Taguig ang nagsumite ng ulat sa Commission on …

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …