Monday , December 23 2024
Dimples Roman

Dimples ‘pinupulis’ ang mga role na ginagampanan

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SHE walked the streets of New York in between her tasks as part of being a juror and now an official member of the academy of International Academy of Television Arts and Sciences.

A tough feat. Pero in-enjoy ni Dimples Romana ang pagkakataong ibinigay sa kanya.

Nagdiwang din siya ng kaarawan pag-uwi niya.

At ilang araw lang, hinarap naman ang mga obligasyon niya bilang part ng main cast ng My Father, Myself ng3:16 Media Network at Mentorque Productions nina Len Carillo at Bryan Dy.

Isa sa walong entries  sa nalalapit na  Metro Manila Film Festival 2022 ang pelikula nila nina Sean de Guzman, Tiffany Grey, at Jake Cuenca.

Sa muli nilang pagsasama ni Jake, natuwa si Dimples. Kung tutuusin, sa rami na kasi ng pinagsamahan nila, ni hindi na nga kailangan ng mga salita para sila lubusang magkaintindihan sa isang eksena.

Gayunman, may mga no-nos pa rin pala si Dimples pagdating sa pagtanggap ng mga role o karakter na ipo-portray niya.

Dahil may anak ng dalaga, at may asawang (Boyet) kailangang pagpaalaman, hindi na nga naipararating pa ni Dimples para maikonsulta sa asawa ang offers na dumating sa kanyang kandungan for approval.

“Ako na mismo, alam ko naman na more or less ‘yung hindi magugustuhan o tatanggapin ng sweetheart ko. Those are the things I need to consider. Kung may BL sa mga lalaki, mayroon din sa mga babae. I was considered for a project. Hindi ko kaya.”

Lumulutang naman kay Dimples ang kahusayan sa mga role na naitotoka sa kanya. Sa telebisyon man o pelikula. Bida o kontrabida man.

Dito sa My Father, Myself kaaawaan ng mga makahuhugot sa pinagdadaanan ng kalooban ni Dimples ang kanyang karakter. Isang maybahay at inang siyang suhay sa pagbubuklod nito. Pero sa kalaunan, magigiba.

Sabi nga, sari-saring klase ng pagmamahal ang makikita sa pelikula. Kaya nasabi rin ni Dimples na ang pag-ibig ay walang kasarian. Darating ito sa tao at pagkakataon o sitwasyon na mararamdaman.

Maselan ang tema. Kaya marahil R-18 ang naging klasipikasyon nito mula sa MTRCB. Pero hindi ang sexy scenes ang tututukan dito. May mga eksenang  susuntok sa dibdib ng manonood para siya umiyak. Dahil na rin sa lapat ng nga linya mula sa utak ng kinatulong ni direk Joel Lamangan na sumulat ng istorya base sa kuwento ng mga taong kilala niya, si Quinn Carillo.

Kabilang kami sa nakasaksi na sa pelikulang masasabi naming lalaban sa Gabi ng Parangal para sa mga ginampanan ng mga aktor nito.

Bawat pamilya ay may istorya. Ito ang inikutan nila. 

If Dimples walked the streets of New York with her head held up high, ipinagmamalaki rin ng aktres na nakaganap muli siya sa isang proyektong maibabando niya na nagampanan niya ng buong husay. 

About Pilar Mateo

Check Also

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …