Sunday , December 22 2024
Dr Art Cruzada Ate Gay Queen Eva Salon

Ate Gay bibigyan ng Queen Eva Salon franchise ni Dr Art

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BONGGA talaga si Dr Arthur Cruzada, may-ari ng Queen Eva Salon dahil nangako ito kay Ate Gay na bibigyan niya ng isang franchise ng salon ang komedyana. Pinahahanap lang niya iyon ng lugar na lalagyan ng Queen Eva Salon franchise.

Hindi naman agad nakapagsalita si Ate Gay nang sinorpresa siya ni Dr. Art. Special guest si Ate Gay sa pasinaya ng bagong branch ng Queen Eva Salon sa Taguig, na kasama siyang nag-cut ribbon together with Dr Art at ang mga may-ari na sina Dan at Erlinda Ramos na matatagpuan sa Western Bicutan sa Duhat St., cor Sampaguita, Taguig City.

At nang mahimasmasan si Ate Gay, nasabi niyang sa Tondo niya gusto ilagay ang kanyang franchise ng Queen Eva Salon na dati niyang pinagtayuan ng siomai business niya.

Ako ang bahala sa lahat, ikaw lang ang maghahanap ng lugar kung saan mo gustong ilagay ang Queen Eva Salon,” sabi ni Dr. Art.

Wow! naman. Sige sa may Tondo kasi taga-roon ako at doon din ako nagnegosyo ng siomai kaya lang nagkasakit ako kaya natigil,” sabi naman ni Ate Gay.

Ika-13 franchise na ng Queen Eva Salon ang Taguig branch na sabi nga ni Dr. Art ay madaragdagan pa. “First time rin sa Metro Manila and hopefully magkasunod-sunod na ito. Bale ika-13 branches na itong nasa Taguig  at in one year, and hopefully madaragdagan pa. 

“Honestly we have our ongoing construction sa ating Trece Martirez branch and by January 2023 we have our three franchise branches in Paranaque, Baclaran. Bale ibabalik namin sa Baclaran na roon nagsimula si Queen Eva at mayroon din tayong itatayo sa Bulacan. So marami na ang naka-reserve, magkakaroon din tayo sa Davao by March 2023 naman siya,” pagbabalita ni Dr. Art. 

Mula US ang mag-asawang Dan at Erlinda. Anila naghahanap talaga sila ng negosyo dahil retired na sila at pabalik-balik sila rito sa Pilipinas. Tamang-tama na naman na naikuwento nila ito kay Dr Art at inialok sa kanila ang pagpa-franchise ng Queen Eva Salon. At una nilang na-acquire ay ang sa Nasugbu Batangas last July na nag-one year na this year.

“At umuwi uli sila ng Pilipinas to open their Taguig branch. And this is our first time na mag-put up ng Queen Eva Salon na malapit sa market and tenement, very visible and marketable. At malaki talaga ang pasasalamat namin dahil kahit nagsimula ang ibang business namin noong kasagsagan ng pandemic talaga umalagwa siya. ‘Yan ay dahil sa mga loyal supporter namin. 

“Sa totoo lang I wasn’t expecting na magiging successful itong business na ito because last year during pandemic totally close ang aming salon and school and sabi ko nga hindi puwede tumigil si Queen Eva dahil we have our mission and vision. Ito ‘yung to help our LGBTQ and senior stylists at iyong mga walang trabaho na nabibigyan natin ng magagandang trabaho,” sabi pa ni Dr. Art.

Sa loob ng isang taon, sunod-sunod at 13 na agad ang Queen Eva Salon at madaragdagan pa bago matapos ang taon. Ano kaya nag sikreto ng Eva Salon?

“Siguro we have our good heart at hindi lang naman iyon eh, kung paano ka mag-serve sa lahat ng kliyente natin. Kaya ang tagline namin dito—your majesty at your service. Ibinibigay namin ‘yung treatment sa lahat ng client namin na mabigyan sila ng good quality service at maging prinsesa, reyna,at hari sila ng Queen Eva Salon,” sabi pa ni Doc Art na inilalapit na rin nila ang kanilang salon sa masa.

“Inilalapit namin sa masa kasi marami ang nagtatayo ng salon before pandemic at nagpo-focus sila sa malls but ang concept namin kapag pumasok ka ng Queen Eva Salon makikita mo we have our own customize chairs, customize hydraulic chairs. Even our products, we have our own, kasi si nanay hairstylists talaga and plano talaga niya eh to focus sa middle class o lower class. Kumbaga walang pinipili kahit nasa high class ka pa it doesn’t matter as long as we can give the perfect quality of our services especially sa lahat ng ating mga client o customers.”

Sinabi naman ni Ms. Erlinda, may-ari ng Taguig branch, “Gusto ko talaga itong salon kasi nagpapaganda kami ng customers at gusto ko rin magpaganda. And since we’re

 getting older at pabalik-balik kami ng Pilipinas at Amerika kasi dual citizen kami and retired na, gusto namin magnegosyo. And this is what we really love to do with this kind of environment,” sabi kapwa ng mag-asawang Dan at Erlinda. 

Retired software engineer si Mr. Dani ‘ika niya diversion ito ng kanyang my profession na nakare-relax sa kanilang mag-asawa.

Ang Queen Eva Salon sa Taguig ay  one stop shop, dahil nasa 2nd floor ang kanilang pagpapaganda at nasa 3rd flr naman ang kanilang aesthetica wellness center, spa, massage na tiyak na kapag nagtungo roon ang sinuman ay talagang masisiyahan. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …