DALAWANG linggo na lang palang mapapanood ang Dugong Buhay at nag-last taping day na sila noong nakaraang linggo at aminadong nalulungkot ang lahat dahil mami-miss nila ang masasayang araw nilang magkakasama.
Sobrang seryoso ang kuwento ng Dugong Buhay, pero kapag wala sa harap ng kamera ang buong cast ay wala silang ginawa kundi magtawanan, magbiruan at kung ano-ano pa.
“No dull moment in our taping,” say ng taga-production.
Anyway, ang suwerte ni Arjo Atayde dahil may follow-up serye siya at kasama ang bago niyang ka-loveteam na si Alex Gonzaga.
Say mismo ng TV executive ng ABS-CBN ay nag-meeting na sina Alex kasama ang mommy Pinty Gonzaga niya at handler ni Arjo sa Star Magic at pinag-usapan nga ang kuwento ng serye.
Teka, hindi lang si Arjo ang naringgan naming may follow-up serye dahil pati raw si Yam Concepcion ay mayroon din at siya ba ang bagong Darna ngayon ng ABS-CBN? Sa kanya ipapasa ni Angel Locsin ang bato?
Puwede rin dahil hawig ni Yam sina Angel at Anjanette Abayari na naunang nag-Darna.
Mitoy, sure winner na sa The Voice?!
HALOS lahat ay nakatutok na sa The Voice dahil walo na lang ang natitira na maglalaban-laban para maiuwi ang titulo at isa sa malakas ay si Thor Dulay mula sa Team Apl dahil isa siya sa paborito simula pa lang ng kompetisyon.
Powerful ang boses ni Thor kaya siya tinawag na The Mighty Thor dahil maski na paos magsalita ay hanep pa rin kapag bumirit na.
Hindi naman bago sa music industry si Thor dahil naging front-act na siya sa foreign artista tulad nina Edwin McCain, Taylor Dane, Brian McKnight, at Air Supply.
Noong 2011 ay napili siya ni David Foster bilang finalist ng Born To Sing Asia na ginanap sa Araneta Coliseum na isa siya sa mga highlight ng show at nag-play pa ng piano si David para kay Thor.
Nakilala si Thor sa industriya bilang isa sa mga pinakamagaling na vocal coaches at bago siya sumali sa The Voice at hanggang ngayon ay back-up singer siya ni Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice.
At sa katunayan kapag live show ay talagang nakasuporta si Vice at mega-tweet siya para kay Thor.
Samantala, hindi lang si Thor ang mainit na pinag-uusapan sa The Voice, kasama rin sina Radha, Morissette, at Mitoy na posibleng mapasama sa top 4. (Magaling din si Klarisse mula naman sa Team Sarah.)
Hmm, bongga ang mapipiling top 4 dahil kasama sila sa shows sa ibang bansa tulad ng nangyari noon sa top 4 ng Pinoy Dream Academy o PDA na pinangunahan ni Yeng Constantino.
Samantala, trulili kaya ang nakuha naming tsika na si Mitoy daw ang mananalo dahil ang manager niya ay Resorts World na partner ng ABS-CBN?
Oh well, kung sakaling mananalo nga si Mitoy, eh, hindi rin halatang lutong makaw dahil magaling din naman talaga siya.
Pero mas type kasi naming babae ang manalo kaya para sa amin, either Radha o Morissette, ikaw ateng Maricris sinong bet mo? (Si Radha or si Klarisse ang bet ko—ED).
Reggee Bonoan