Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bongbong Marcos Along Malapitan

Sa ika-159 kaarawan ni Gat Andres
FM JR., PINASALAMATAN NI MAYOR MALAPITAN

NAGPASALAMAT kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., si Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa pagdalo sa paggunita sa ika-159 kaarawan ng bayaning si Gat Andres Bonifacio sa Caloocan City kahapon.

Anang alkalde, “isang karangalan ang pagbisita ng ating pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaang nasyonal, upang makiisa sa paggugunita ng ika-159 anibersayo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, na isang dakilang bayaning nagbuklod sa mga Filipino.”

Ipinagmalaki ni Malapitan ang mahalagang papel ng lungsod sa pakikibaka ng mga rebolusyonaryong Filipino noong panahon nina Bonifacio bilang mga mga Katipunero.

Aniya, “makasaysayan ang ating lungsod dahil nagsilbi itong kanlungan ng ating mga kababayang lumaban upang makamit ang kalayaan, isa na rito si Gat Andres Bonifacio na tinaguriang Ama ng Himagsikan.”

Isa si Bonifacio sa mga bumuo ng Katipunan at nagsulong ng rebolusyon laban sa mga mananakop na dayuhan.

“Mapalad po tayo, dahil sa ating mga bayani, tinatamasa natin ang tamis ng Kalayaan,” pahayag ni Malapitan.

“Kaya naman ngayong makabagong panahon, tayo’y tumindig at pairalin ang kabayanihan sa ating kapwa tungo sa pagbuo ng mas maunlad na lungsod at bansa para sa mga susunod pang henerasyon,” mahigpit na tagubililn ni Malapitan sa mga kababayan.

Samantala, sa talumpati sa Bonifacio Monument sa Caloocan City, muling pinuri ni Marcos ang mga manggagawang pangkalusugan, mga migrante, mga sundalo, at mga pulis na kanyang tinawag na “modern-day” heroes.

“(I)pinapakita nila na ang bawat isa sa atin ay may angking kakayahan na makagawa ng kabutihan sa ating lipunan at pamayanan,” pahayag ng Pangulo.

“Ito ay isa sa mahahalagang pamanang iniwan ni Gat Andres sa atin — na ang bawat isa ay maaaring maging bayani sa ating sariling pamamaraan,” paalala ni FM Jr., sa sambayanan sa kanyang talumpati. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …