Sunday , December 22 2024
lotlot de leon

Lotlot sobra-sobra ang pasasalamat sa pagwawagi sa The EDDYS

RATED R
ni Rommel Gonzales

DAHIL sa pagmamahal sa kanyang trabaho, masakit man sa loob niya ay hindi nakapunta si Lotlot de Leon sa The EDDYS nitong nakaraang Linggo, November 27 sa Metropolitan Theater.

Buong araw kasi na hindi puwedeng lumabas ng bahay si Lotlot noong araw na iyon dahil naka-schedule siya for a swab test the following day, Lunes.

May taping kasi si Lotlot para sa Imbestigador sa GMA ng Martes.

Kaya kahit gustong-gusto ni Lotlot na dumalo sa ikalimang taon ng The EDDYS, minabuti na lamang niya na mamalagi sa bahay.

Pero sobra-sobra ang tuwa at pasasalamat ni Lotlot sa Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEddahil sa iginawad sa kanyang parangal bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang On The Job 2: The Missing 8.

Ikalawang tropeo na ito ni Lotlot para sa nabanggit na pelikula dahil nanalo rin siya bilang Best Supporting Actress sa katatapos lamang din na Gawad URIAN nitong November 17.

Hindi ba nakatutuwa dahil sa loob ng isang buwan ay dalawang acting awards ang nasungkit ni Lotlot?

Again, to the SPEEd, kabilang na ang entertainment editor ng Hataw tabloid na si Maricris Valdez, maraming-maraming salamat mula kay Lotlot.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …