Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruffa Gutierrez

Ruffa ‘di na feel magka-baby

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI na raw type ni Ruffa Gutierrez na magkaanak pa. Ito ang ibinahagi niya sa mediacon ng kanilang show na MOMS (Mhies on a Mission) with Mariel Rodriguez at Ciara Sotto.

“Before, I was thinking about freezing my eggs, mga 5 years ago and buti hindi ko ginawa. Kasi mahirap magpa-aral ng mga anak na single mom ka.”

Ani Ruffa, nagpapasalamat na lamang siya na marami pa siyang blessings at projects na natatanggap kaya nakakaya niyang pag-aralin sa magandang school sina Lorin and Venice.

“Kaya ako kumakayod actually, kasi nga, my kids are now going into college, mahal din ang college na gusto nila, kasi gusto nila sa abroad,” aniya.

“So, hindi na siguro. Siguro naman, kung sino ‘yung magmamahal sa akin, mamahalin ako nang buong-buo. Hindi na kailangan naming magkaroon ng anak para i-prove ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa,” sambit pa ni Ruffa.

Magsisimula na sa Nov. 28 ang MOMS, 11am-12 noon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …