Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alapaap

Alapaap ng Vivamax pa-tribute kay Tata Esteban

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKABABAHALA at talagang madadala ka sa alapaap ng pelikulang pinagbibidahan nina Josef Elizalde, Angela Morena, at Katrina Dovey na ang titulo rin ay Alapaap na napapanood na sa Vivamax.

Hindmo nga mahuhulaan agad ang itinatakbo at gustong iparating ng pelikula na pasabog ang mga sex scene (lalo na ang orgy).

Ayon sa direktor nitong si Friedrick Cortez objective ng pelikula na guluhin at pagurin ang manonood kaya pala talagang malilito ka sa panonood dahil iba-iba ang mga eksena at maraming nangyayari.

Ang pelikula ay ukol sa isang grupo ng kabataan na sabay-sabay magpapakalulong sa ilegal na droga.

Sina Josef, Katrina, Ali AsistioAndrea Garcia, Cheska Paredes, at Luke Selby ay ang magkakaibigan na makararanas ng mga halusinasyon dahil sa droga.

Si Josef ay si Erik Bengzon, isang filmmaking student. Gustong-gusto na nitong matapos sa kanyang thesis at makagradweyt sa kolehiyo. Parehong doktor ang kanyang mga magulang at hindi sila masaya sa napili niyang kurso.  Ito ang dahilan ng kanilang mga pagtatalo.

Si Katrina ay si Antonette Mercado, nag-iisang anak ng dating congressman at isang socialite.  Sa murang edad, nasaksihan niya ang pagpapakamatay ng kanyang ama.  Dala niya ang traumang ito, ngunit hindi niya maasahan ang kanyang ina na damayan siya. Mismong ang kanyang ina ay nahirapang malampasan ang ganitong trahedya.

Si Ali ay si Paul Plana, spoiled brat na anak ng isang high-ranking police officer. Tumutulong siya sa thesis ni Erik. Drug user na, supplier pa siya ng drugs sa kanyang mga kaibigan.

Si Luke ay si Adolf Fuller, pinsan ni Paul mula sa America na nagbabakasyon.  Sumusunod lang siya sa grupo, kahit sa paggamit ng droga.  Itinatago niya ang pagiging bading. May gusto siya kay Erik.

Si Andrea ay si Cathy Delgado, ang girlfriend ni Paul na bisexual. Mayroon siyang ka-affair na tomboy.  Hiwalay ang mga magulang.

Si Chesca si Joyce Amores, ang secret lover ni Cathy.  Batang naulila at laking-lola na sagrado katoliko.

Si Angela Morena ang babaeng miyembro ng tribo na bida sa ginagawang short film ni Erik. Sa kanilang pagpunta sa  probinsiya, sa tribo ng babaylan nagdodroga pa rin ang grupo. At doon may pangyayaring nakainom sila ng isang inuming hindi nila inakalang magiging sanhi ng hindi magandang pangyayari sa kanilang buhay.

Samantala, ang Alapaap ay directorial debut ni Friedrick kasama si Brillante Mendoza bilang creative producer.

Ever since, I’ve always wanted to be in the film industry. I tried acting but it didn’t work out. I met Direk Brillante in 2015 and I joined his team.

“He became my mentor in filmmaking. He trained me in production design, cinematography and directing.

“Now, he trusted me well enough to execute this project, ‘Alapaap’ as its director, so i’m really very grateful to him for giving this me break. This is my first film to direct, so I’m very excited,” pahayag ng direktor.

Sinabi naman ni Direk Brillante na ang Alapaap ay pagbibigay-pugay niya sa 1984 movie ni Tata Esteban na ganito rin ang titulo Alapaap na pinagbidahan nina William Martinez, Michael de Mesa, Mark Gil, at Tanya Gomez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …