Tuesday , April 1 2025
Toni Gonzaga Vhong Navarro

Toni nalulungkot sa nangyayari kay Vhong — All I can offer now is prayers

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Toni Gonzaga na ikinalulungkot niya ang nangyayari ngayon sa kaibigang si Vhong Navarro.

Sa media conference kahapon ng tanghali para sa kanyang 20th anniversary concert na I Am…Toni hindi itinanggi ng Ultimate Multimedia Star na nalungkot siya kay Vhong.

Siyempre hindi mo maiaalis na malungkot, ako hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, all I can offer now is prayers,” sambit ng aktres/TV host nang hingan ng reaksiyon tungkol kay Vhong. Dalawang pelikula rin ang pinagsamahan nina Toni at Vhong, ito ay ang  D Anothers  (2005 ) at My Only You (2008).

Hanggang ngayon ay hindi pa napagbibigyan ang kahilingan ng kampo ni Vhong na makapaglagak ng bail para sa kinakaharap na rape case. Ang tiyak pa lang, ililipat ang aktor sa Taguig City Jail mula sa NBI detention center.

Sa kabilang banda, ayaw pang ihayag ni Toni kung sino-sino ang mga guest niya sa I Am Toni concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Enero 20, 2023 dahil sorpresa iyon. Ang tiyak, ang magiging guest niya ay naging parte ng career niya ang mga iyon.

Nang tanungin kung kasama ba roon si Piolo Pascual? Ang tugon ng aktres, “basta surprise.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Yassi Pressman

‘Bagong anyo’ ni Yassi ikinagulat ng netizens

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI ang nagtatalo-talo kung nagparetoke ba o nag-iba lang ng pagmake-up …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras inireklamo ni Jojo Mendrez sa pulisya

I-FLEXni Jun Nardo MUKHANG tinuluyan na ni Jojo Mendrez si Mark Herras na ireklamo at kapag umakyat sa Fiscal, …

Ai Ai delas Alas Gerald Sibayan

Ai Ai delas apetado sa pagpapabawi ng green card ni Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo DAMAY na ang petition for green card ni Ai Ai de las Alas sa …

Kim Chiu Paulo Avelino Ate Kam Chiu My Love Will Make You Disappear

Ate Kam boto sa relasyon ng KimPau; MLWMYD movie humahay-iskul

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nagpahuli ang kapatid ni Kim Chiu, si Ate Kam sa pagpapakita ng suporta sa …

Andrew E SV Sam Verzosa

Andrew E ‘di nagpabayad; Sigaw ng Manileno SV Bagong Pag-asa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBANG klase talagang mag-perform ang isang Andrew E. Kapag siya na ang nasa …