Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Iana Bernardez Angel Aquino Beksman

Pagpapa-cute ni Christian kay Iana naitawid

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SA ayaw man at sa gusto, lagi pa ring ikakabit kay Iana Bernardez ang pangalan ng kanyang inang si Angel Aquino dahil hindi iyon maiwawasan lalo’t isang sikat at magaling na aktres ang kanyang ina.

Napanood namin si Iana sa Mahal Kita Beksman ng Viva Entertainment at The Idea First na idinirehe ni Perci Intalansa premiere night nito kamakailan at may talent din ito sa pag-arte. Pang-beauty queen pa ang ganda nito kaya naitanong namin kung sino nga iyon at ang sagot sa amin, anak ni Angel Aquino. 

Kaya kahit okey siyang umarte at lumabas na sa mga pelikulang Chedeng and Apple, Mr. and Mrs. CruzGusto Kita With All My HypothalamusMetamorphosis laging ikakabit pa rin ang pangalan ng kanyang ina.

Hindi naman sa ayaw makilala ni Iana na anak siya ni Angel Aquino gusto lamang niyang gumawa ng sariling pangalan, after all pwede naman lalo pa’t nasa pangangalaga siya ni Direk Perci na siyang nagbigay sa kanya ng unang TV series, ang Pearl Next Door, spin-off ng Game Boys at kinuha rin siya ng Dreamscape para sa isang villain role sa Marry Me, Marry You.

At bago ang Mahal Kita Beksman lumabas na siya sa Vivamax comedy, Pa-Thirsty ni Ivan Andrew Payawal.

“It’s such an honor to be her (Angel Aquino) daughter,” ani Iana sa isang interbyu ng  ABS-CBN News. “I didn’t come into the industry using her name. Being her daughter always comes as an afterthought. ‘Anak pala siya.’

“The pressure balances it out when others find out. They tell me I look like her. Sino ba naman ang mahihiya na kamukha siya ni Angel Aquino? Natutuwa rin ako roon.”

Aminado si Iana na malaking pressure ang pagiging anak ni Angel. “I’ve lived with her all my life. There were others who were saying we talk the same way. We have the same mannerisms (na siyang nakita namin sa pelikula nila ni Christian Bables).

“Of course, as a daughter, I also want to create and build my own identity. Even if in my head, I constantly hear her, so I try to find something different. But she always advises me to own the space when I’m in the scene.

“Of course, I’m still very shy in front of the camera. So I have to own my space, own my character and make it as sincere as possible. So those are her main advise to me,” sabi ni Iana.

Ang Mahal Kita, Beksman ay tungkol sa istorya ni Dali (Christian), ang nag-iisang anak nina Jaime (Kempee de Leon) at Gemma (Katya Santos) na ang tawag niya ay “Papshiekels at Momshiekels”. Talented make-up artist at designer si Dali na hindi nakapagtataka dahil ang kanyang ama ay ang may-ari ng beauty salon at ang kanyang ina naman ay ang dress shop.

Si Iana naman si Angel, ang unica hija ng pamilya. Ang kanyang ama ay isang sports coach, at may kapatid siyang nagpapatakbo ng gym at car shop. 

Agad na love at first sight si Dali kay Angel nang magkabangga sila sa isang beauty contest. Minsang nasabi ni Iana na naging concern siya sa chemistry nilang dalawa. At sa napanood namin, mayroon. Bagay sila at magandang tingnan sa screen.

Magaling pa rin si Christian sa pagpapakita ng pagiging beki at totoong lalaki. Talagang hindi mo na makukuwestiyon ang galing niya sa pag-arte. Si Iana, magaling din at bagay ang pagpapa-cute niya. Hindi naman siya nagpahuli sa galing ni Christian.

At siyempre kahit sumabak na rin sa pagbe-beki si Keempee, magaling pa rin siya at hangad naming mabigyan pa siya ng maraming project. 

Nagbalik si Keempee sa 2 Good To Be True bilang ama ni Kathryn Bernardo at doon muli niyang naipakita ang galing sa drama at sa Mahal Kita, Beksman, ang galing naman sa komedya ang naipakita niya.

Mapapanood na ang Mahal Kita, Beksman simula Nov. 16 sa mga sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …