SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
IBINUKING ng mag-asawang Dr. Carl at Dr. Roselyne Marie M. Balita ang dahilan ng pagtangkad nina Paul Salas, Ella Guevarra, Mika dela Cruz, at ng mga anak ni Ogie Diaz.
Sa blessings at opening ng bagong negosyo ng mag-asawang Carl at Lyne, ang Little Lamb’s Kiddie (Spa, Salon, Clinic, Playland) sa Greenhills Shopping Center, San Juan,
naikuwento ng mga ito na malaki ang ambag ng kanilang Little Lamb sa pagtangkad ng mga batang artista dahil madalas magtungo ang mga ito sa Tomas Morato branch ng kanilang Little Lamb pagkakatapos ng shooting o taping sa ABS-CBN.
Kahit ang anak ni Kris Aquino na si Joshua ay nakapunta na rin sa Little Lamb.
Ang Little Lamb’s Kiddie ay ang me time ng mga bagets na may edad 3 hanggang 7. Dito’y pwede silang maglaro ng unli, hangga’t hindi sila nagsasawa o nagsasara ang laruan, pwede sila. Pwede rin silang magpagupit, magpamasahe, matulog, mag-aral, at kumain. Kaya naman sa mga nanay na gustong mag-shopping at walang mapag-iiwanan sa kanilang mga bagets, ang Little Lamb’s Kiddie sa Greenhills ang sagot dito.
Ayon kay Carl, nag-umpisa ang negosyong ito dahil sa kanilang anak na si Lyka. “Interest ito ng anak namin noong seven years old si Lyka nang minsang sumama sa spa tapos sabi namin ‘kids are not allowed in the spa.’ At nag-tantrum siya ng mega.
“We taught of bakit nga ba wala eh pediatrician si Dra Lyne? So, we taught of putting her clinic kasi she promote wellness kaya roon kami nag-concentrate sa wellness,” giit ni Dr. Carl. “Ang practice kasi niya hindi curative, mas gusto niya preventive,” dagdag pa ng educator/broadcaster/entrepreneur.
“So, we start this in Tomas Morato tapos nag-transfer kami sa Uptown and pandemic hit. Ang interesting sa amin, we had celebrities who were with us. Sa amin lumaki sina Paul Salas, Mika dela Cruz, Ella Guevarra and even mga anak ni Ogie Diaz. Dito sila nagpapa-massage, hair cut. And after silang i-massage naku ang sarap-sarap na ng tulog nila,” kuwento naman ni Dr. Lyne na inumpisahan nila ang negosyong ito noong 2006 pa.
“Actually we had several branches, before we had Cebu, Alabang, Shaw Mandaluyong, parang mga seven lahat. And dito sa Greenhills branch namin mas pinalaki pa namin ang play area para mas marami ang ma-accommodate para kung walang pag-iiwanan sa bahay ng mga anak, dito sa Little Lamb, pwedeng-pwede,” sabi pa ng misis ni Dr. Carl.
Iginiit pa ni Dr. Carl na safe na safe ang mga anak nilang iiwan sa kanilang Little Lamb dahil child proof ang lugar at may mga tao silang magbabantay sa mga bata.
“Pero hindi namin pwede papasukin ang ibang adults for security reason. Mga 3 years old and below din kailangan talaga ng close monitoring pero limited. Hanggang 6-7 years old lang ang pwede ayaw na namin ng malalaki Sa halagang P350 unlimited na makaka-stay ‘yung bata sa playland bahala na sila kung susulutin o hindi. May packages naman sa ibang services ito nga ‘yung massage, gupit, , kung minsan diaper change and all pwede, kapag inantok pwede,” masaya pang paglalahad ni Dr. Carl.
Bukod sa playland, massage, spa, etc, may Kurimi Milk Tea Bar din sila na ang mga milk at chocolate na ginagamit ay talagang pang-baby o pang-batang maliliit.
“This is the first talgaa in Greenhills na may play area. Maganda ang lugar namin, nasa likod ang parking and we have the Kurimi nga, the Japanese milktea and lahat ng iniiisip namin andito na and pati ako andito most of the time kasi andito clinic ko,” sabi pa ni Dr. Lyne na isang pediatrician at USA-certified Infant Massage specialist.
Iginiit pa ng mag-asawang Carl at Lyne na, “They are in good hands kapag andito sa aming Little Lamb’s Kiddie. At more on the wellness kami na kaya ‘yun ang reason kung bakit hindi napigil ang pagtangkad ng mga batang artistang nagpupunta sa amin, kasi lagi silang natutulog. Ang massage kasi eh, it brings you to deep sleep and deep sleep releases the growth hormone. Kaya may panawagan kami sa mga artistang bata da dalhin dito dahil tiyak na makatutulong kami para lumaki pa sila,” pagtatapos ng mag-asawa.