Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlos Yulo

Performance ni Carlos Yulo sa gymnast makapigil-hininga

RATED R
ni Rommel Gonzales

NOVEMBER 6 ng gabi ay halos hindi kami nakatulog sa panonood ng live stream ng 2022 Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Liverpool sa England.

Ang managing director ng KG Management na si Jun Esturco ang nag-send sa amin ng link para sa live feed na lumaban ang pambato ng Pilipinas na si Carlos Yulo, ang world champion gymnast natin.

Pigil-hininga kami sa bawat performance ni Carlos; una sa floor routine, sumunod ang Men’s Vault Category at panghuli ay sa Men’s Parallel Bars Category.

Sa huli ay umani ng papuri at malakas na palakpakan si Carlos mula sa mga tao sa loob ng M&S Bank Arena sa Liverpool dahil nagwagi si Carlos; Silver Medal para sa Vault, Bronze Medal para sa Parallel Bars at pumuwesto siya bilang pang-anim among the seventy delegates all over the world.

Hindi naiwasan na may mga basher, na kesyo dapat daw gold lahat ng medalya na napanalunan ni Carlos.

Pero teka muna, hindi biro, hindi madali ang na-achieve ni Carlos. At isa pa, marami pang sasalihang gymnastics championships si Carlos sa mga susunod na taon kaya malaki ang pag-asa niya na humakot ng medalyang ginto.

Gusto nga naming ikompara si Carlos sa kapalaran ni Pia Wurtzbach, sa pangatlong pagsali niya sa Binibining Pilipinas nagwagi si Pia bilang kinatawan ng ating bansa sa 2015 Miss Universe sa Las Vegas Nevada at ang ending, tinapos nito ang “sumpa” sa Pilipinas sa Miss Universe crown sa loob ng 42 years dahil nagwagi siya sa makasaysayang gabi (hello Steve Harvey and Miss Colombia) na iyon sa beauty pageant history.

Kaya Carlos Yulo, mabuhay ka at maraming salamat sa tagumpay at karangalang muli mong ipinagkaloob sa Pilpinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …