Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Danny Javier Rey Valera

Musika nina Danny at Rey masarap pakinggan ‘pag sila ang kumakanta

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY isang fan na nag-post ng isang video na kinakanta ng yumaong singer at song writer na si Danny Javier ang ‘Di na Natuto na obra niya. Ang obra ni Danny ay ibinigay sa ibang singer at sumikat naman, pero hindi nga maikakaila na ang sumikat na kanta ay obra nga ni Danny.

Pinanood namin ang nasabing video na posted sa social media. Napakaganda ng pagkakakanta ni Danny. Iba talaga ang songwriter basta kumanta dahil ang lumulutang ay ang mensahe ng awitin. Eh ang ganda ng mensahe niyong kanta. Binabale wala na siya, basta binalikan siya tanggap pa rin niya. Kaya nga “‘di na natuto.” 

Kung ang kumakanta kasi ay isang singer, mas partikular siya na lumabas ang kanyang magandang boses, after all iyon lang ang sa kanya, hindi naman kanya iyong kanta eh. Hindi naman kanya ang mensahe.

Kaya kung minsan, mas masarap pakinggang kumanta ang songwriter talaga.

Gaya rin iyan ni Rey Valera. Basta si Rey ang kumakanta ng mga awiting isinulat niya, madarama mo ang mensahe ng kanta kahit na gaano iyon kasimple. Basta mga singer na lang ang kumanta, kailangang intindihin mong mabuti eh para ma-appreciate mo ang mensahe ng kanta.

Kagaya rin iyan niyong Christmas song na Pasko na Sinta Ko. Una naming narinig iyang kantang iyan maraming taon na ang lumipas, nang ang kantang iyan na ginawa ni Francis Dandan ay maging contest piece sa isang choral competition.

Noon damang-dama namin ang kuwento at mesahe ng kanta. Ewan kung bakit ngayon ay talagang hindi na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …