Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elijah Canlas

Elijah Canlas pinapak ng niknik

NAPAGOD kami habang pinanonood ang Livescream na pinagbibidahan nina Elijah Canlas at Phoebe Walker at idinirehe ni Perci Intalan. Bayolente at sobrang pinahirapan kasi si Elijah sa pelikula at napakaraming challenges ang ipinagawa sa aktor na makapigil-hininga.

Maging si Elijah ay aminadong challenging at boldest role ang horror movie na  Livescream.

Ginagampanan ni Elijah ang role ng isang online influencer na si Exo. Mahilig siyang gumawa ng mga prank video na halos nakasasakit na ng mga tao. Kaya naman marami ang nananawagang huwag siyang suportahan. Hanggang isang araw, nagising siya na nasa isang kuwarto na may mga pagsubok na ipinagagawa. Noong una’y inakala niyang prank ng ka-collab niyang influencer ding si Phoebe. Hanggang sa mapansin niyang kakaiba na at maging si Phoebe ay ipinakitang ginagawan ng masama ng isang naka-maskarang lalaki gamit ang kung tawagi’y “torture wall.” 

Sa dalawang bida, pinakanahirapan si Elijah dahil karamihan sa mga eksena ay solo siya, bukod pa sa nakahubad at nakayapak.

Sabi nga ni Elijah hindi naiwasang nagkaroon siya ng aksidente sa mga stunt na ginagawa niya dahil nakayapak at hubad pa tapos ay nababalutan pa siya ng dugo at kinailangang dumihan siya. 

Pero ang maituturing niyang nahirapan siya ay nang papakin siya ng niknik. “The  most memorable is the fact that I had a ton of ‘niknik’ bites. Grabe ‘yung mga sand mites na ‘yun. My body was so red and so itchy. You have no idea. I couldn’t sleep at some point during the lock-in shoot. Nahirapan na rin akong huminga at times dahil umabot na siya sa leeg ko. It was wild!”

Itinuturing ding boldest film ito ni Elijah dahil bukod sa most of the time ay topless siya, nagkaroon din siya ng butt exposure sa isang eksena sa “glory hole.” Ito ‘yung intense lovescene niya sa isa sa cast ding si Kat Dovey.

Sinabi naman ni direk Perci na ang inspirasyon ng “torture wall” na pinasukan ni Exo ng iba’t ibang parte ng katawan ay mula sa lumang pelikula ni Audrey Hepburn, ang  Roman Holiday.

Aniya, “There is a scene there where she dares Gregory Peck to put his hand in the ‘Boca de la Verita,’ the Mouth of Truth, which is essentially a hole carved into a wall. 

“The movie is a romantic comedy but they played up a lot of suspense in that scene.  From there, we then explored the idea of putting any part of your body thru a hole in the wall — and of course, another good source of inspiration is BDSM and sex fantasy.  I noticed people recognize the idea of a “Glory Hole” even without us referring to it as such.”

Bukod kina Elijah, Phoebe, at Kat, kasama rin sa pelikula sina Lucky Mercado, Jerald Napoles, at ilang real-life vloggers and influencers. 

Mapapanood na ang Livescream simula November 9 sa Vivamax Plus. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …