MALAKI ang bilib at tiwala ng seasoned at celebrity lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio sa kaibigan at tinutulungan niya ngayon si Claudine Barretto na nagsampa ng kaliwa’t kanang mga kaso laban sa mister na si Raymart Santiago.
Last Saturday ay pahinga muna sa sunod-sunod nilang hearing sina Atty. Topacio at Claudine. Ang inatupag nila ay ang recording ng CD Lite album ng comebacking actress na prodyus ng labs at BFF naming abogado. Aksidente naman malapit kami sa lugar ng recording studio sa bandang Kamuning kaya pinasyalan namin ang dalawa. Hayun, nang makita kami ni Clau ay super higpit ng yakap niya sa amin na ramdam mo na sincere siya. Kasama ng actress sa recording nila ni Atty. Ferdie ang kanyang mga bibong anak na sina Sabina at Santino na mga very articulate tulad ng kanilang mommy. Bale dalawang songs, ang ini-record ni Clau noong araw na ‘yun ang “In My Life” at ang duet nila ng BFF naming attorney na “Land Of Loving,” na pinasikat ni David Benoit. Ang Viva Records, ang magri-release ng nasabing album ni Claudine na hinahanapan pa nila ng titulo. Bukod sa album, next week ay may meeting si Claudine sa manager na si Boss Vic del Rosario para naman sa kanyang comeback movie na posibleng si Piolo Pascual ang makapareha niya. Excited na ang actress sa mga gagawing project lalo pa’t na-missed niya nang sobra ang pag-arte. Labis-labis ang pasasalamat niya sa kanyang itinuturing na anghel ngayon na si Atty. Ferdie na isa sa nagbigay ng lakas-loob sa kanya para balikan ang buhay sa showbiz. We are here for u too gyud!
DIAMOND STAR MARICEL SORIANO INSPIRED SA “MOMZILLAS” NILA NI EUGENE DOMINGO NA PALABAS NA SA SEPT. 18
Yes, kitang-kita naman ang ebidensiya na sobrang nag-enjoy si Maricel Soriano sa latest movie nila ni Eugene Domingo na first time niyang nakatrabaho sa “Momzillas,” na newest comedy masterpiece ng blockbuster director na si Wenn V. Deramas. Feeling ni Maricel ay parang nagbalik siya during Regal days na kaliwa’t kanan ang pelikulang ginagawa. Dito sa Momzillas, wala na silang ginawa ni Eugene at mga co-star kundi tumawa nang tumawa lang kasi nga aliw sila sa mga eksenang ipinagagawa sa kanila ni Direk Wenn. Natutuwa naman sila ni Uge dahil maganda ang feedbacks ng pelikula nila na sa tuwing ipakikita ang full-trailer nito sa mga sinehan na pinagtatanghalan ng On The Job, na produce rin ng Star Cinema ay hagikgikan sa tawa ang moviegoers. Dahil positive ang feedback ay mas lalong sinipag sina Maria at Uge na mag-promote. Yes, kahit sa sitcom na Toda Max ay nag-imbita ang Diamond Star (Maricel) at Candy Pangilinan na panoorin ang kanilang Momzillas.
Hindi lang ang dalawa ang todo-promote kundi ang mga gumaganap na anak ng dalawa sa pelikula na sina Andi Eigenmann at Billy Crawford. Bukas pala ay may Red Carpet Premiere ang buong cast sa SM Megamall Cinema at magbubukas naman sila sa mga cinema nationwide on September 18 (Wednesday). Ang Star Cinema at Viva Films ang producer nito.
KA-VOICE NI REGINE VELASQUEZ NA SI SHANE VELASCO NAG-STAND OUT SA MGA JUDGES
Last Friday ay 7th Weekly Finals na ng “Ikaw At Echo Ka-Voice Ni Idol” sa Eat Bulaga. Todo-todo ang effort na ginagawa ng production team ng EB para makapag-guest ng mga itinuturing na mga OPM Icons sa Music industry. Hindi naman sila nabigo dahil naging very cooperative ang lahat sa kanila. Kaya concert na concert sa ere talaga ang dating ng mga daily contestant rito. Noong Biyernes sa Weekly Finals ng Ka-Voice ni Idol ang nag-stand out sa mata ng mga judges ay ang kaboses ng ating Asia’s Songbird Regine Velasquez na si Shane Velasco ng Balanga Bataan. Super deserved ni Shane na mag-win dahil pumikit ka lang si Regine ang madidinig mo sa kanya. Tumataginting na P50K ang napanalunan ng nasabing weekly winner at ang mga tinalo naman na sina Salvador Calimlim na ka-voice ni John Denver, ka-voice ni Elvis Presley na si Marcelito Jauregui at Dominador Alviola na kaboses ni Kenny Rogers ay pinagkalooban ng Bulaga ng consolation prize na P5K each. Sina Moy Ortiz ng The Company, Mark Bautista at Jessa Zaragosa ang nagsilbing mga hurado noong araw na ‘yun.
Peter Ledesma