Monday , May 5 2025
Dead body, feet

Bangkay ng babae lumutang sa estero

ISANG bangkay ng hindi kilalang babae ang lumutang na hinihinalang ilang araw nang patay sa esterong nag-uugnay sa baybaying dagat Linggo ng tanghali sa Navotas City.

Sa pagsisiyasat ni Navotas police homicide investigator P/Cpl. Florencio Nalus, namamaga na ang mukha at buong katawan ng babaeng tinatayang nasa 5’2 ang taas, nakasuot ng itim na t-shirt at maong na short pants.

Hindi na masyadong makilala ang kaanyuan nang madiskubre ang bangkay na nakalutang nanng pataob sa esterong nag-uugnay sa dalampasigan sa Tambak 1 Brgy. Tanza 2, dakong 11:00 am.

Ayon sa 76-anyos residente sa naturang lugar na si Alberto Santos, palabas siya ng kanilang bahay nang mamataan ang nakasubsob na katawan ng tao sa bahagi ng estero kaya’t kaagad niyang ipinabatid sa kanilang barangay at sa Tanza Police Sub-Station 1.

Nagresponde rin sa lugar ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ngunit bigo silang makakuha ng gamit na puwedeng mapagkilanlan sa biktima habang wala isa man sa mga naninirahan doon ang nakakikilala sa babae.

Pansamantalang nasa pangangalaga ng Navotas City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ang labi ng biktima upang maisailalim sa Libreng Libing Program ng pamahalaang lungsod ng Navotas sa oras na matapos ang isasagawang autopsy examination sa bangkay upang malaman ang dahilan ng kanyang pagkamatay. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Yanna Vlog LTO Road Rage

Sa Zambales road rage
Motorcycle vlogger inisyuhan ng LTO-SCO

INISYUHAN ng Land Transportation Office (LTO) ng ‘Show Cause Order” (SCO) ang isang sikat na …

Tuguegarao

Tuguegarao, inaasahang may magbabalik

HINDI mapigilan ang ingay at init ng kalsada sa Norte nitong mga nakaraang linggo matapos …

Comelec Vote Buying

Vote-buying sa pormang ayuda
Marikina public school teachers umapela sa Comelec para imbestigahan si Quimbo

UMAPELA ang isang grupo ng public school teachers mula Marikina City sa Commission on Elections …

PAMILYA KO Partylist Atty Anel Diaz

PAMILYA KO PARTYLIST TANGGAP MAGIGING RESULTA NG HALALAN
Pananatiling pasok sa survey ipinagpasalamat

HANDA ang Pamilya ko Partylist sa magiging resulta ng halalan sa 12 Mayo 2025. Ito …

PAMILYA KO Partylist Sunshine Cruz

PAMILYA KO, patuloy sa pamamayagpag, pasok sa Top 15 Partylist ng Octa Research April Survey

PATULOY na lumalakas ang suportang nakukuha ng PAMILYA KO Partylist at kinikilala ang bitbit nitong …