Friday , November 15 2024
sexual harrassment hipo

Mekanikong senglot nanghimas ng bebot saka nanutok ng boga sa hoyo nahimasmasan

SA KULUNGAN nahimasmasan ang lasing na mekaniko matapos pagbantaan at tutukan ng baril ang isang babaeng vendor na kanyang hinimas ang mga hita sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon City police chief P/Col. Albert Barot ang suspek na si Christopher Rafael, 41 anyos, ng Poblacion, nagpakilalang mekaniko, residente sa Brgy. Loma Degato, Marilao, Bulacan

Batay sa pinagsamang ulat nina police staff sergeants Mardelio Osting at Diego Ngippol, kapwa may hawak ng kaso, dakong 10:30 pm nang maganap ang panghihipo sa biktimang itinago sa pangalang Jane, 39 anyos, sa harap ng  ice cream store sa Paradise Village, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

Lumapit umano ang suspek na si Rafael at biglang pinanggigilan ang hita ng biktima na nakasuot ng maikling shorts.

Agad pumalag ang biktima ngunit biglang bumunot ng baril ang suspek saka itinutok sa hinipuan.

Nakatawag agad ang mga kapitbahay ng biktima sa mga tauhan ng Sub-Station 5 na sina P/Cpl. Romel Fader at P/Cpl. Johnny Hobi, Jr., at agad inaresto ang suspek.

Nakuha sa suspek ang  isang kalibre .45 pistola, may magazine, at kargado ng apat na bala.

Ani Col. Barot, walang naipakitang kaukulang dokumento para sa naturang baril at mmga bala nito ang suspek nang hanapan ng mga pulis.

Kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, Acts of Lasciviousness at Grave Threat ang isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …