I-FLEX
ni Jun Nardo
BINIBILANG na ni Toni Gonzaga ang blessings na dumarating sa kanya at pamilya sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga basher, hater at galit sa kanya.
Nagsimula ito nang ihayag ni Toni ang lantarang suporta niya sa ninong nila ni direk Paul Soriano kay Pangulong Bongbong Marcos.
“Basta alam mong nagdesisyon ka galing sa puso mo at may peace in your heart, sapat na ‘yon sa akin at hindi na pinapansin ang sinasabi ng iba,” pahayag ni Toni.
Itinanggi naman niyang Reynang-Reyna siya sa Villar Network.
“Marami kami,” saad niya.
Ang reality-talk show niyang Toni Talks ang unang show ni Toni sa ALLTV.
Eh ‘yung tsismis na milyon-milyon ang bayad sa kanya?
“Lahat naman magsasabi ng ganoon once lumipat ka sa ibang network. Hindi lang naman sila ang nag-offer sa akin.
“Sa palagay ko, ginawa nila ang lahat para makapagdesisyon ako na galing sa puso ko,” rason ni Toni.