Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhea Tan Michelle Lusung Beautederm Fairview

Rhea Tan ng Beautéderm, inspirasyon ni Michelle Lusung sa negosyo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

FIRST time naming na-meet ang husband and wife tandem nina Michael at Michelle Lusung sa opening ng kanilang Beautéderm store sa SM Fairview. Ang naturang jampacked event ay pinangunahan ng Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche Tan.

As usual, gaya ng mga mall show ng Beautéderm, dinumog ito ng mga tao at tinilian nang husto ang ambassadors na sina Carlo Aquino, Ruru Madrid, Jelai Andres, at Boobay, at guest na si Buboy Villar,

Dito’y kinantahan ni Ruru si Ms. Michelle, ano ang na-feel niya rito?

“Una kinabahan ako dahil first time ko ma-meet in person si Ruru, pero noong nasa stage na ako ay nag-enjoy po ako, kasi game na game at mabait siya, plus sobrang guwapo sa personal ni Ruru.

“Para akong nasa cloud 9, hihihi! Kakilig po pala talaga kapag ika’y kinakantahan at mabuti na lang nakapag-spray ako ng Etre Clair Mouth spray, kaya confident akong makaharap si Ruru sa stage nang malapitan,” nakangiting wika ni Ms. Michelle.

Ito na ang pangatlong store ng mag-asawa, una ay sa Singapore, tapos ay sa Newpoint Mall Angeles City.

Nabanggit pa niya kung ano ang magagandang pagbabagong nangyari sa buhay niya, dahil sa Beautéderm.

Esplika ni Ms. Michelle, “Galing po kami sa mahirap na pamilya, nagsikap at naging OFW po kaming mag-asawa, ‘yung tipikal lang na sakto lang kinikita, Ako po as sales representative and si Michael po ay I.T.

“Ngayon po ay franchisee na kami ng Beautederm Singapore sa may Orchard Lucky Plaza #04-101, salamat sa Diyos dahil sa Beautederm mas marami po kaming natutulungan now, specially mga less fortunate at mahihirap na mga kapatid sa ‘Pinas. Marami na rin po kaming naipundar na investments sa ‘Pinas at sa Singapore, like houses po and Beautederm stores na noon po ay nagre-rent lang po kami sa ‘Pinas at dito sa Singapore.”

Ipinahayag din niyang ang lady boss ng Beautederm ang nagsilbing inspirasyon sa kanya para magtagumpay sa business.

Aniya, “Praise God po at nakilala ko si Ms. Rei Tan. Walang hanggang pasasalamat po ang masasabi ko kay Ma’am Rei Tan sa tiwala, suporta, at pagmamahal na ibinibigay po niya, hindi lang po sa akin at sa iba pang franchisees. Siya po talaga ang idol ko sa lahat ng aspekto, ang dami ko pong natutuhan sa kanya at patuloy ko iyong ia-apply sa business namin.

“Si Ms. Rei po, super-inspiration ko siya as a businesswoman, pati na mga success story niya. Grateful po ako sa Beautederm Corporation, pati na rin po sa mga staff na napakasipag at talagang ginagawa ang best nila, lalo sa mga stores opening,” masayang sambit ni Michelle.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …