Sunday , December 22 2024
Jericho Violago

Newbie singer Jericho Violago kaabang-abang

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI ko maiwasang ‘di mapa-wow! habang iniinterbyu ang bagong singer na tiyak naming lilikha ng pangalan sa music industry. Siya si Jericho Violago, cum laude, graduate ng BS Business Management sa Ateneo de Manila University at lahat na yata ng genra ng music ay nakanta niya.

Sa pakikipagkuwentuhan kay Jericho over lunch kasama ang kanyang very supportive mom na si Chiqui Violago, nalaman naming siya lamang ang naiba ng landas sa limang magkakapatid. Mas pinili kasi ni Jericho ang showbiz samantalang ang mga kapatid niya ay doktor, abogado, etc.. 

Rason ni Jericho, “growing up pina-try sa akin ng parents ko ang sports pero hindi ko masyado nagustuhan. Then I tried piano, violin then after that nag-focus muna ako sa education. It was funny enough when I was in grade 3 or 4 hindi nila alam na may boses ako. Summer noon nasa harap ako ng computer kumakanta-kanta lang ako tapos pumasok ang dad ko at nagulat siya. Sabi niya, ‘ha? kumakanta ka pala? May boses ka pala?’ Noon wala lang sa akin iyon kasi akala ko everyone knows how to sing. My mom enrolled me in UP Conservatory with one on one coaching sa isa sa member ng Madrigal singers, Ms Martinez. So, I started as a classical singer.

“And then when I got 12, the ‘King and I’ came here in the Philippines in Resorts World. And they we’re looking for cast, kids. So sinabihan ako ng teacher ko na mag-audition pero nasa weird age ako sabi nila I look too old to be a king pero ang taas ng boses ko tapos medyo chubby ako and very light ang skin. So hindi pwede maging prince. Kinausap ako ng direktor na mag-enrol sa The Music School of Ryan Cayabyab para ma-develop ang boses ko.”

Hindi man natanggap sa King and I hindi iyon dinamdam ni Jericho. “Sad lang ako, wala naman akong expectation, disappointed pero madali namang naka-move on,” anang 22 year old na bunso nina Joselito at Chiqui  Violago.

Noong nag-enrol siya kay Cayabyab na-expose siya sa Broadway, theater, at ng mga kanta at komposisyon ni Ryan kaya mas naging theatrical ang field niya. Natuto rin siya ng acting dito sa mga recital na ginagawa nila.  

At noong hay-iskul, sumali siya sa choir sa Ateneo na kumakanta sa mga misa at dito na-expose siya sa pop-acapella na ibang-iba sa mga nauna niyang natutunan. Noong nasa kolehiyo na siya nakapag-audition siya sa Asia’s Got Talent pero hindi rin siya nakapasok.     

Dumating siya sa puntong gusto niyang subukang mag-solo dahil lagi siyang kumakanta na kasama sa grupo.

So in my college from 2018-2019 any opportunity I would see I would get so whenever I would join an org and they needed performer sige me, me me. Nagpe-perform ako sa mga event namin sa Ateneo, at nai-invite rin ng ibang organization to sing. Noong nagka-pandemic hindi na nakapag-perform pero hindi naman ako nag-stop. Nagre-record na lang ako then sina-submit ko. 

“Now I graduated since ako lang ang business major sa family inalok nila na ako na ang humawak ng family business namin. Nagpaparinig na sila dati pa. Tinanong din ako ng daddy ko kung ano ang plano ko sa buhay. Pero hindi naman nila ako pine-pressure. At sinabi ko talaga sa kanila na, ‘I want to be a performer, I want to be a singer, eversince naman ito talaga ang gusto ko. I feel like na if I don’t pursue this, I’ll regret it. I don’t like having regrets in life. ‘Yung mga what if. 

“And sinabi ko na ito lang ang alam ko na gusto ko na I’m sure na I love to sing and I love to perform and I love to learn,” sabi pa ni Jericho na ang tinutukoy na negosyo ay ang rice mill sa San Jose, Nueva Ecija. 

Bukod sa pagkanta, nag-undergo rin siya ng acting workshop sa Ogie Diaz Acting Workshop. Pero iginiit niyang mas gusto niyang maging singer kaysa mag-artista kahit pa sinabi naming may hawig siya kay Matteo Guidicelli at tiyak na pasado siya para maging aktor.

Napakalawak nga ng range ni Jericho bilang singer kaya ganoon na lamang ang paghanga namin sa kanya. Mula sa pop, jazz and swing to R& B and soul. Gusto rin niya ang OPM kaya naman looking forward siya ma makipag-collab sa mga hit maker. Nabigyan nga kami ng sample ng kanyang mga kanta at talaga namang napakaganda ng boses niya.

Nakapag-perform na si Jericho sa Music Museum, GSIS Museum, Valle Verde Country Club. Kinakanta rin niya ang mga awitin mula sa Broadway musicals na King and I, Annie, South Pacific gayundin ang mga OPM hits at jazzy standards tulad ng kay Michael Buble.

Hinihintay na rin ni Jericho na matapos ang mga kantang ginawa sa kanya ng dalawang veteran record producer para sa debut EP niya. 

Kaya watch out for Jericho dahil for sure he will make waves sa music industry. Nasa pangangalaga si Jericho nina Emy Domingo at Ogie Diaz.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …