Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vince Rillon Angela Morena

Angela at Vince isang buong araw nagniig

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAPAKAHABA, senswal, at naiiba ang mga estilo sa pagse-sex nina Angela Morena at Vince Rillon ang napanood namin sa private screening ng Tubero naidinirehe ni Topel Lee at collaboration ng APT Entertainment at Viva Films

Ang dahilan, isang buong araw pala talaga kinunan ang nasabing eksena.

Ayon kay direk Topel, “originally we wanted sana a copy of a love story tapos may halong erotika. So ang nangyari kung mapapansin ninyo may halo siyang comedy, although hindi namin pinu-push masyado kasi we decided then na let’s make it serious na lang. Kasi we wanted to have an experience on how it is to be a part of genra o sex scenes ito.

“Parang I wanted sana na ma feel natin na where in that situation. Kasi it’s cut to cut. It’s like watching a porn na kapag nanonood ka ng porn you see the whole thing so that’s I wanted sana ‘yung experience. 

“The experience of watching a real sex scenes kaya pinahaba ko talaga iyon,” sabi pa ni direk Topel.

Ipinaliwanag pa ni direk Topel na nag-usap sila at nagpakita siya ng pegs at nag-rehearse para sa ilang positions.

Very cooperative naman sila and sila na ang mas veteran sa akin dahil marami na silang project na nagawang sexy movies. Gina-guide ko lang sila pero alam na nila ang gagawin talaga nila,” sambit pa ng director.

Bukod sa bonggang sex scenes na iyon magaling din palang umarte itong si Angela. Pwede siyang tawaging aktres. Kaya naman sobrang grateful din siya matapos mapanood ang pelikula dahil maganda talaga ang kinalabasan.

Actually biggest break ni Angela ang Tubero na ukol sa pag-ibig, loyalty, passion, sex, at kung paanong hindi bumitaw sa isang relasyon ano pa man ang pagdaanan. 

Mapapanood ang Tubero sa October 21, 2022, streaming exclusively sa Vivamax.

Si Angela si Paula at si Logan si JC Tan na dahil hindi maibigay ng aktres ang sexual satisfaction kay Logan ay sumubok at nagpaturo sa isang bihasa sa sex na si Gimo (Vince.).

Inamin naman ni direk Topel may reference siya sa paggawa ng sex scenes sa pelikula. “I have a references because I had to come up kasi nanonood ako ng Vivamax para malaman ko kung ano ang nagawa na o hindi pa nagagawa. Para hindi rin siya naulit o  magkaroon ng drugging moment so I came up para ‘yung mga sex scenes na hindi pa natin nakikita sa Vivamax.

“Thats why I presented them some pegs one of which parang may Japanese…mostly kasi ‘yung Japanese very conventional unlike sa Western mas experimental so I showed them both. Ito ‘yung sa umpisa na hindi pa masyadong aggressive na ‘yung relationship nila  theb eventually nagpo-progress na roon na naging Western ‘yung pegs ko. Pero pinag-usapan pa rin namin kung saan sila comfortable. Mayroong hindi na ginawa dahil mahirap na o masakit na sa paa,” paliwanag pa ni direk Topel.

Nasabi noon ni Angela na hirap siyang makabitaw sa kanyang karakter dahil feel na feel niya ang kanyang katakter. Na nakita nga namin sa movie.

Feel na feel ko ‘yung character ko kasi writer siya and professor pa. Feel ko rin ‘yung pagiging vulnerable ni Paula na pagdating sa love, ibibigay ang lahat.”

Na-enjoy naman ni Vince ang tinutukoy naming lovescene nila ni Angela dahil aniya napakagaling ni Angela bukod pa sa inalalayan din siya nito.

Palabas na ang Tubero sa October 21 sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …