Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabiya Mateo Jeric Gonzales

Jeric sa balikan nila ni Rabiya: may chance pa

RATED R
ni Rommel Gonzales

UNANG beses na sumagot si Jeric Gonzales sa tanong kung ano ba ang naging dahilan ng hiwalayan nila ni Rabiya Mateo.

“Ang pinaghiwalayan namin, siguro misunderstanding lang, siguro ‘yung priorities naming pareho sa work, sa career, sa life.”

Pero walang third party?

“Wala naman. Kaya naghiwalay kami ng maayos and hindi kami bitter sa isa’t isa, kaya ‘pag nagkikita kami hindi kami nag-iiwasan, hindi awkward.”   

“We’re good friends and never naman kaming nag-close ng doors sa isa’t isa,” pagbabahagi pa ng Start-Up PHactor.

“Of course priority namin ‘yung work, ‘yung career pero hindi namin nakalilimutan siyempre ‘yung naging kami and  may possibility pa rin na in the future, puwede pa…”

Na magkakabalikan sila, may chance?

“May chance, may chance,” ang nakangiting sinabi ni Jeric nang nakausap namin sa GMA NCAA All-Star Basketball Game na ginanap nitong Sabado, October 15, sa FilOil EcoOil Centre, San Juan City.


Bukod kay Jeric, naglaro rin ang mga Sparkle/Kapuso stars na sina Prince Clemente, Kirst Viray, Jose Sarasola, at ang mga PBA legends na sina Marlou Aquino at Willie Miller at ang muse nila ay si Shaira DiazNasa ibang koponan naman sina Pancho Magno, Kokoy de Santos, Migs Villasis, Raheel Bhyria at ang mga PBA legends na sina Jerry Codiñera at Allan Caidic at ang muse nila ay si Lianne Valentin at ang mga NCAAathlete. 

Dumalo rin ang GMA RTV & Synergy First VP and Head na si Oliver Amoroso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …