Thursday , November 14 2024
Arjo Atayde  Cattleya Killer

Arjo at iba pang bida sa Cattleya Killer hahataw sa MIPCom Cannes

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BUKAS, Oktubre 19 matutunghayan na ang premiere screening ng pilot episode ng Cattleya Killer ng ABS-CBN sa prestihiyosong MIPCOM Cannes, ang pinakamalaking content market sa mundo.

Ang Cattleya Killer na pinagbibidahan ni Asian Academy Creative Awards 2020 Best Actor Arjo Atayde ay panonoorin ng mga lider sa industriya ng entertainment sa MIPCOM Cannes para makahanap ng global distribution partner para sa serye.

Ang premiere screening ay dadaluhan ni Arjo at ng ABS-CBN head of International Production and Co-Production na si Ruel S. Bayani dahil ito ang unang beses na may Filipino drama series na ipalalabas sa MIPCOM Cannes.

Ang Cattleya Killer ay ukol sa imbestigasyon ng sunod-sunod na misteryosong pagpaslang na sangkot ang isang copycat ng serial killer na kinatakutan dati sa buong Maynila. Magiging prime suspect sa kuwento ang anak ng pulis na nakalutas sa kaso matapos maungkat ang mga sikreto mula sa nakaraan. May English subtitles at overdubs din ang six-part series na gamit ang wikang Filipino.

Si Dan Villegas ang nagdirehe ng serye at si direk Ruel ang producer. Bahagi rin ng cast sina Jake Cuenca, Christopher de Leon, at Zsa Zsa Padilla.

“It is our vision that Filipino content will be known as innovative, compelling, and meaningful and that as we become an integral part of the beautiful tapestry of global storytellers, we will find our permanent place in the hearts of the international audience,” ani direk Ruel.

Nabuo ang Cattleya Killer sa tulong na rin ng 2021 Full Circle Series Lab, isang Southeast Asian talent development initiative ng Film Development Council at ng French film company na Tatino Films. Ginabayan din ang proyekto ng international mentors mula sa South Africa, Israel, at Germany.

Ang track record ng ABS-CBN bilang content creator ang tinitingnan ng industry leaders para kunin itong partner sa international co-productions dahil sa dami ng proyekto nito na nakalaan para sa international market.

Bago ang Cattleya Killer, co-producer din ang ABS-CBN sa pelikula ni Diane Paragas, ang Yellow Rose na pinagbidahan nina Eva Noblezada at Lea Salonga, na naging unang Filipino film na nagkaroon ng wide theatrical release sa ilalim ng Sony Pictures.

Ang iba pang proyekto ng ABS-CBN na co-producer ito ay ang crime family series na  Concepcion at ang New Bilibid prison drama na Sellblock

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …