SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
UMINIT ang aking cellphone sa rami ng nag-repost, nag-like sa mga picture na ibinahagi namin sa aming social media account ukol sa bagong show ng Pie Channel, ang Pie Galingan na napapanood mula Lunes-Biyernes sa TV5.
Aba eh, marami palang supporters ang mainstay ng show tulad nina Anji Salvacion, Eris Aragoza, Ralph Malibunas, at Sam Bernardo.
Pie Jocks ang tawag sa mga host ng talent search sa Pie Galingan. Pinaka-click sa kanila si Anji, Big Winner ng PBB Season 10.
Ani Anji, grateful siya na nakasama sa show, “I feel so blessed na I’m here and I’m given this opportunity to showcase myself, my personality, and my talent.”
Masasabi naming nakabuo na talaga ng follower si Anji na naging contestant din pala ng Idol Philippines 2019.
Sinabi pa ni Anji na malaki ang tulong ng show para ma-inprove pa niya ang pgt-Tagalog.
Inamin naman ni Sam, Miss Grand Philippines 2020 na maipakikita pa niya sa show na ito ang ibang talent niya na hindi niya naibahagi nang sumali siya sa beauty contest.
“I still do personality development for future beauty queens but now, I’m pursuing showbiz and doing hosting,” ani Sam. “I’m glad that in Pie Galingan, I can show my talents na hindi ko naipakita noon sa beauty pageant. I auditioned sa PIE and then joined their boot camp as part of our training. I’m happy that our show, ‘Pie Galingan,’ tumutulong na matupad ang pangarap ng mga gustong pumasok sa showbiz.”
Kasama ring inilunsad ng PIE (Pinoy Interactive and Entertainment) Channel ang mga programang PieNalo Pinoy Games at Pak Palong Follow.
Pwedeng manalo ng P50,000 sa araw-araw sa PIENALO PINOY GAMES. Mula Lunes-Biyernes sa kanilang “Matching Matching” (7:00- 8:00 p.m.), ang pagma-match ng card game mula sa larong unggoy-ungguysn at “Dagdag Bawas” (6:00-7:00 p.m.), na isa namang interactive game na masusukat ang galing ng mga Pinoy sa pgtatantya.
At tuwing Sabado, madodoble ang saya at papremyo na aabot ang jackpot prize sa P100,000 with “PoB Sana All!” (6:00–8:00 p.m.), ang interactive comeback ng iconic ABS-CBN game show na “Pera o Bayong.” At tuwing Linggo nariyan naman ang “Sino’ng Manok Mo?” (6:00– 8:00 p.m.), na may pagkakataon any viewers na mag-place ng kanilang bets sa guest celebrities na siyang maglalaro na ang 100 sa kanila ay pwedeng mag-uwi ng cash prizes.
At para matiyak ang saya ng viewers, nariyan naman ang PIENALO PINOY GAMES jocks na sina Eian Rances, Negi, Sela Guia, Kevin Montillano, Nicki Morena, Ruth Paga, Nonong Ballinan (Mondays – Saturdays) Inah Evans, Kid Yambao, Patsy Reyes, at Jackie Gonzaga (Sundays).
“Mas naggu-grow kami noong nadagdagan kami ng hosts. Masaya po kami off-cam. Talagang ang iingay namin and mayroon kaming group chat na nagpaplano kami ng mga gusto naming suotin or gawin for the show,”pagbabahagi ni Eian.
Sinabi naman ni Nicki na nagdadasal muna sila bago simulan ang show. “Before mag-start ‘yung show, nagdadasal kami. Palagi naming mantra sa show, magpapabago kami ng buhay today. Kasi everyday marami kaming napapapanalong viewers,” giit niya.
Ibinahagi naman ni Jeremy kung bakit nagustuhan niya ang PAK PALONG FOLLOW.
“Sa ‘PAK PALONG FOLLOW’ we give the platform to content creators to show their talents. And then we give them the opportunity to be exposed sa mga katroPIE natin,” paliwanag nito.
At mula Lunes hanggang Sabado mapapanood ang mga talent ng
Mga Pinoy from different walks of life sa Ekstra Ordinaryo at Ekstra Ordinaryo Next Level. Ang dalawang interactive artista search na ito ay para sa mga gustong mag-extra at mag-artistq sa TV at film.
Ang Ekstra Ordinaryo Next Level ay magkakaron ng first grand PIEnals ngayong linggo na ang finalists na sina Mustafa (Ang Ekstrang Action Dad ng Tarlac), Popsy (Ang Ekstrang TikTokerist ng Tarlac), Juan (Ang Ekstrang Future Direktor ng Manila), Neo (Ang Ekstrang Dreamboy ng Manila), Rinoa (Ang Ekstrang Prinsesa ng Pamilya ng Cavite), at Minnie (Ang Ekstrang Adventurer ng La Union) ay maglalaban-laban para sa titulo.
At sa Linggo marami pang talent ang ipakikita ng PIE sa kanilang talk-variety show na Pak! Palong Follow” (4:00 p.m.) na layuning maibahagi sa viewers ang ibang talent ng netizens na nakapagpapaligaya sa kanilang mga follower sa social media.