Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean de Guzman

Sean kinakarma ng blessings

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KARMA is real.

Para sa masasabing baguhan pa rin sa pinili niyang karera na si Sean de Guzman, sobra-sobrang good karma na ang nangyayari ngayon sa buhay niya.

Kung katayuan o estado sa kalagayan ng buhay ang pag-uusapan nakapagsinop na si Sean para makabili ng sariling bahay para sa kanyang pamilya pati sasakyan.

Hulog ng langit si direk Joel Lamangan kay Sean. At biyaya naman sa buhay niya ang mahawakan at i-manage ni Len Carillo ng 3:16 Media Network.

Kinapa-kapa lang muna ni Sean noon ang pagsama niya sa CliqueV na si Marco Gomez ang namamayagpag.

Pero kanya-kanyang kapalaran nga sila.

Sa pagsisimula ng pag-arte ni Sean at alagwa na sa pag-arte sa harap ng kamera, ginamay nito ang paraan kung paanong mapagbubuti ang kailangan niyang gawin bilang artista o aktor sa mas malalim na kahulugan nito.

Napansin naman siya sa Anak ng Macho Dancer. Pinag-usapan. Nagsunod-sunod ang pagtambad ng katawan at kaseksihan niya sa mga eksenang umiikot sa mga kamunduhan.

Napapanood namin.

Pero itong huling pinanood namin, ang Fall Guy na kinilala at binigyan ng parangal ang kakayahan niya sa dalawa pang pagkakataon, sasang-ayon kami sa sa international festivals sa India (Chithitam Intetnational Film Festival) at Turkey (Natolian Film Awards) sa kanyang tinamong Best Actor na pagkilala.

Ang napansin ko kay Sean, marunong na siyang maglaro sa kanyang emosyon. Pataas man o pababa. Alam na niya kung saan gagamitin ito. Sa Fall Guy niya kami napaiyak.  

At sa pagdadala nito sa film festival sa Barcelona sa Nobyembre, hindi na kami magtataka kung muli na naman siyang maparangalan doon.

Marami kasi ang makare-relate sa papel niya bilang si Julius Sumpay sa Fall Guy. Kasi, totoong nangyari na ito sa maraming buhay. Sasabog ang puso mo sa mga eksena niya rito. Sa kanila ng inang si Shamaine Buencamino, sa galit sa mga gumawa ng kasalanan sa kanya, sa suporta ng mga nagmamahal sa kanya.

May padating pang aabangan na mga proyekto si Sean. Na hahamon na naman sa kanyang kakayahan. Bilang aktor. Sa tunay na kahulugan nito.

Karmang positibo ang inaani niya ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …