Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miggy Jimenez Paolo Pangilinan Cedrick Juan

Miggy, Paolo, Cedrick panalo ang three-some

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAPURI-PURI ang galing ng isa sa bida ng Two And One ng Vivamax at IdeaFirst na si Miggy Jimenez na ginagampanan ang karakter ni Tino na bagama’t open sa kanyang kasarian may sariling problema sa kanyang mga magulang na miyembro rin ng LGBTQIA.

Nahusayan kami kay Miggy na dati pa lang child star na host ng kiddie show na Tropang Potchi sa GMA-7 na binigyang pagkilala sa galing mag-host ng Star Awards noon 

Bumida na rin si Miggy sa action TV series na Panday Kids at nakasama sa horror movie ni Richard Gutierrez, ang Patient X.

Lumabas din siya sa Gameboys The Movie at Gameboy 2.

Bagamat kinilala na ang galing sa pag-arte hindi nagdadalawang-isip na tumanggap si Miggy ng mga sobrang pa-sexy o iyong BL movie dahil katwiran niya pag-arte at trabaho pa rin ang mga ito. 

At dito nga sa Two And One pasabog ang sex scenes at drama moments ni Miggy  kasama sina Paolo Pangilinanat Cedrick Juan na hindi rin nagpahuli at lumaban sa aktingan. Ito ay isinulat ni Ash Malanum at idinirehe ni Ivan Andrew Payawal na siya ring nasa likod ng hit romcom online series na Gameboys.

Marami ang nagkagusto sa Two And One at sinasabing isa sa magandang nagawa ni direk Ivan dahil kapani-paniwala ang pagkakagawa at pagkakabuo ng pelikula dahil balanse ang mga nakagugulat na love scenes ng tatlong bida at ang madadrama nilang eksena.

Tiyak kaming marami ang magugulat sa threesome nina Miggy, Paolo bilang Chan, at Cedrick bilang Joaquin, dahil talagang wala silang kiyeme churvahan.

Tiyak ding mapapansin ng ilang award-giving body ang galing ni Miggy sa movie at pwede siyang ma-nominate at manalong best actor.

Streaming na ito sa Vivamax Plus.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …