Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angela Morena

Paula nag-iiyak ‘di makabitaw sa Tubero

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PAGKARAAN ng tatlong pelikulang kasama si Angela Morena, mabibigyan na siya ng pagkakataon para magbida, ito ay sa sex-drama na Tubero na idinirehe ni Topel Lee at collaboration ng APT Entertainment at Viva Films. Kasama rito sina Vince Rillon at JC Tan.

Biggest break sa career ni Angela ang Tubero. “This is my first film na drama-erotic and thankful ako sa Viva at sa APT Entertainment na akong kinuha nila for the role of Paula.

“Salamat sa tiwala nila at ni Direk Topel Lee. Sobra akong na-immerse sa character ni Paula dahil kahit tapos na ang shoot, hindi ko pa rin mabitiwan ‘yung role at hanggang pag-uwi, umiiyak ako,” pag-amin ng dalaga.

Ang Tubero ay ukol sa pag-ibig, loyalty, passion, sex, at kung paanong hindi bumitaw sa isang relasyon ano pa man ang pagdaanan. Mapapanood ang Tubero sa October 21, 2022, streaming exclusively sa Vivamax.

Susubukin sina Paula (Angela) at Logan (JC Tan) sa kanilang relasyon dahil hindi maibigay ni Paula ang sexual satisfaction kay Logan.

Kahit na likas na mahinhin at conservative si Paula, makikipag-deal siya kay Logan at bibigyan ng ultimatum na magsasalba o magiging katapusan ng kanilang relasyon.

Para hindi iwanan ni Logan, magiging determinado si Paula na ibigay ang gusto nito. Hihingi siya ng tulong kay Gimo, isang tubero na may extra service at nagbibigay aliw sa mga nagiging clients.

May mangyayari sa kanilang dalawa na magbibigay ng sexual awakening kay Paula. Pero ang dapat sana’y isang beses lang na pangyayari at inaasahan ni Paula na makatutulong sa pagsasama nila ni Logan ay magiging daan pala para mas lumalim at mas uminit ang relasyon nila ni Gimo.

Ani Angela gusto niya ang karakter na ginagampanan niya sa pelikula. “Feel na feel ko ‘yung character ko kasi writer siya and professor pa. Feel ko rin ‘yung pagiging vulnerable ni Paula na pagdating sa love, ibibigay ang lahat.

“Pero roon sa sex scenes, hindi ako nakare-relate. Hindi ko rin kayang gawin ‘yung ginawa ni Paula na just to save yourself with your partner, makikipag-sex ka sa iba,” ani Angela.

Natanong si Angela kung mahalaga sa kanya ang magaling sa sex na dyowa. Sagot niya, “For me, it’s not really a big deal. Mas importante sa akin ang love kaysa sex lang. Puwede n’yo namang i-work out ‘yung tungkol sa sex para malaman n’yo what will please each other.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …