Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, sa career naka-focus at hindi sa mga babae

MASAYA at kuntento na raw si Arjo Atayde sa takbo ng kanyang career sa ABS-CBN2. Malaki nga ang pasasalamat niya sa alagang ginagawa sa kanya ng Kapamilya Network.

“I’m very thankful sa ABS-CBN sa mga project na ibinibigay nila sa akin.  Sana magtuloy-tuloy lang ‘yong magagandang break na nakukuha ko,” ani Arjo na sa estasyong ito rin siya nakakuha ng kauna-unahang award, ang New Movie Actor Of The Year sa PMPC Star Awards For Television. Ito ay sa Bangka episode ng longest running drama anthology ng bansa na Maalaala Mo Kaya.

Ngayong Sabado, September 14, muling mapapanood si Arjo sa isa na namang natatanging pagganap sa MMK kasama ang versatile Kapamilya young actress na si KirayCelis. Mag-asawa ang role nila. Kuwento ng isang guwapong lalaki na na-inlove at nagpakasal sa isang hindi naman kagandahang babae.

Ayon kay Arjo, mayroon silang kissing scene ni Kiray sa MMK at balitang naiyak ang aktres matapos kunan ang eksena dahil first time palang mahalikan ng isang lalaki.

“It’s nice working with Kiray,” ani Arjo. ”She’s very professional. At saka magaling siya. Hindi lang sa comedy kundi pati sa drama.”
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …