Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dugong Buhay, na-extend pa hanggang Oktubre

Regular ding napapanood si Arjo with Ejay Falcon sa panghapong serye ng ABS-CBN, ang Dugong Buhay. ”Masaya nga ako dahil na-extend na naman ito. Dapat first week of July na ito mag-i-end. Na-extend siya until September. Tapos muling na-extend hanggang October.

“So far, so good. ‘Yong rating ng show gets higher. Sobrang blessed naman. Mahirap makapagtaas ng ratings, eh, dahil 3:30 ng hapon ito umeere.

“At ‘yong magandang takbo ng trabaho ko, ‘yon ang nag-inspire sa akin to do better. Para mag-improve.

“I do my best. Kung malamon man ako sa eksena, I don’t wanna use na… baguhan ako as an excuse. The only point is… trabaho ko na gawin ang mas magandang produkto para sa mga tao. Para hindi makain ng ibang aktor.

“Pero hindi ko naman iniisip masyado iyon.  Kasi I know, once I step on the scene, ready ako.  Alam ko ang ginagawa ko. Medyo may pagka-bad ‘yong role ko. Actually kasi, influence by the family kaya ganoon. Kasi labis na naapi at naagrabyado ang family ko sa istorya. So, parang I am fighting back.  Ganoon,” mahabang paglalarawan ni Arjo sa kanyang role sa Dugong Buhay.

Ang kanyang inang si Sylvia Sanchez naman ang number one critic ni Arjo. Kaya naman lagi niyang pinakikinggan ang advice nito.

Sa istorya ng Dugong Buhay, mahigpit na magkaribal sila ni EJ kay Yam Concepcion. Ani Arjo, okey namang katrabaho ang young actress at naging close na sila sa mahabang panahong itinakbo ng pagti-taping nila para sa nasabing serye.

Normally kapag nagiging magkapareha o magkasama sa isang project, nagiging close at kung minsan ay nauuwi pa nga sa espesyal na pagtitinginan, pero sabi ni Arjo, ”For me, I keep professionalism in line.

“Of course, hindi naman po malayo na naa-attract ako. Lalo at maganda naman po si Yam.  Mabait.  Sobrang mabait na babae.  Kuwela siyang babae. Pero my point is… baguhan pa lang po ako sa industriya.  Natatakot po ako na baka hindi pa ako marunong mag-handle ng relationship habang naka-focus ako sa career ko.”

Nagkaroon na rin ng girlfriend si Arjo noong mga panahong hindi pa siya nag-aartista. During that time, non-showbiz ang mga babaeng nauugnay sa kanya kaya naman natanong ang actor kung magiging mahirap kaya kung ordinary individual ang makarelasyon niya dahil baka hindi nito maintindihan ang kanyang trabaho?

“Hindi ko naman po iniisip ‘yon.  Kung showbiz o non-showbiz, it doesn’t matter.Basta ang importante sa akin is… maging inspirasyon ko siya.”

May mga crush naman daw na artista si Arjo. Ang ina-admire nga raw niya nang husto ay si Kim Chiu. Kaya naman natanong namin kung hindi ba siya makapagpipigil na ligawan ito sakaling makatrabaho niya?

“Sa ngayon, acquaintance naman kami. Friends. Pero wala naman po sa plano o sa isip ko na manligaw sa kanya. As of now po, eyes on the goal!” sabay ngiti niya.   ”Eyes on the goal. Not on the girls, ‘di ba? Eyes on the goal  first,” giit pa ni Arjo.
Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …