Friday , August 22 2025

Judy Ann, excited makapag-host ng game show

TINAPOS na ni Judy Ann Santos-Agoncillo ang mga haka-hakang iiwanan na niya angABS-CBN matapos muling pumirma noong Miyerkoles (Setyembre 11) ng isang two-year contract sa Kapamilya Network.

Ani Juday, pinakinggan naman niya ang alok ng ibang estasyon. ”’Yung mga pakikipag-usap namin sa ibangeistasyon at mga alok nilang proyekto, andiyan naman kami para makinig. Pero sa bandang huli, hindi natin maitatanggi na isa akong Kapamilya at ang ABS-CBN ang una sa prioridad ko.”

Bahagi ng pinirmahang kontrata ni Juday ang pagiging host nito sa pinakabagong game show na Bet on Your Baby ng Dreamscape ni Deo Endrinal.

“Isa po tong reality game show na mga batang may edad dalawa hanggang tatlo’t kalahati ang mga kasali. Excited ako kasi mula sa drama, binigyan naman ako ng pagkakataon ng ABS-CBN na mag-host ng game show,” sabi ni Juday.

Dumalo sa pirmahan ng kontrata ang  TV production head ng ABS-CBN na si Laurenti Dyogi, broadcast head na si Cory Vidanes, presidente at CEO na si Charo Santos-Concio, at talent manager na si Alfie Lorenzo.

Malapit nang mapanood ang Bet On Your Baby sa ABS-CBN.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pumalag sa animal cruelty

MATABILni John Fontanilla HINDI natuwa si Nadine Lustre sa post ng isang online shopping app. Kaya naman …

Phoebe Walker Rico Robles

Phoebe ikakasal na sa DJ/host BF na si Rico, pagpapa-sexy may limitasyon 

RATED Rni Rommel Gonzales IKAKASAL na sa susunod na taon sina Viva/VMX actress Phoebe Walker at DJ/host Rico …

Anna Magkawas Ruffa Guttierez

Ruffa ayaw sa live in, sleep over lang

MA at PAni Rommel Placente HINDI naniniwala si Ruffa Guttierez sa live-in set-up. Ayon sa kanya, kailangan …

Ashtine Olviga

Ashtine suportado ng fans sa nominasyong nakuha sa Star Awards

MA at PAni Rommel Placente NAG-CHAT kami sa isa sa mga member ng fans club …

Robin Padilla Nadia Montenegro

Bintang itinanggi kasabay ng resignasyon
VAPE NA AMOY UBAS HINDI MARIJUANA ­— NADIA MONTENEGRO

NAGBITIW sa kanyang tungkulin bilang political affairs officer ni Senador Robinhood Padilla ang aktres na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *