Sunday , December 22 2024
Maja Salvador Richard Gutierrez

Maja balik-ABSCBN; leading lady pa ni Richard

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY announcement ang ABS-CBN ganoon din naman si Maja Salvador, na siya pala ang leading lady ni Richard Gutierrez doon sa kanilang gagawing primetime series sa Kapamilya Network. Nagsisimula na sila ng taping sa Cebu. Hindi natin alam kung iyan nga ba ang ipapalit nila roon sa “Darnang mababa ang lipad.”

Posible rin namang ang ginagawang seryeng iyan ay isa sa collab nila roon sa AllTV, dahil sila rin naman ang inaasahang magpupuno sa primetime niyon. Kung iyan ang ilalagay sa AllTV, mas may chances sila sa NCR dahil ang analog transmitter ng ABS-CBN na 150kw power ay siya ngayong ginagamit ng AMBS. Iyon nga lang, wala naman silang provincial stations.

Pero nakatutuwant nakabalik si Maja sa dati niyang network. Hindi naman maikakaila na nagkaroon nang samaan ng loob noong biglang lumipat si Maja sa TV5 nang mawalan sila ng prangkisa at sinasabing isa pa sa humihimok sa ibang mga artista ng network na tumalon na sa TV5. Kaso nawala rin naman iyong TV5 niya, at hindi naman siya sinalo ng GMA kahit na napunta na siya sa Eat Bulaga.

At least ngayon makababalik na siya sa primetime at si Richard pa ang leadingman niya. Aba lahat ng naging leading lady ni Richard sumikat. Tingnan ninyo si Angel Locsin, ang tagal nang

artista niyan niyon. Nang makasama si Richard sa Mulawin, biglang sumipa ang career at halos naging superstar din ng isang panahon.

Magandang desisyon ni Maja iyang magbalik sa ABS-CBN. Ano ang malay ninyo, baka isang araw makalusot na bigla ang prangkisa niyan, o may maka-tie up ding malaki ‘di buhay na naman silang lahat.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …