Tuesday , April 30 2024
Jhassy Busran Kathniel Sylvia Sanchez.

KathNiel fan wish makatrabaho si Sylvia

RATED R
ni Rommel Gonzales

IDOLO ng teen female star na si Jhassy Busran ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez. Pero hindi pa niya nakikilala ng personal ang aktres.

“Hopefully soon, hopefully soon.”

Nakikita ni Jhassy ang versatility ni Sylvia bilang aktres.

“Parang kahit anong role na ibigay sa kanya nabibigyan niya po ng justice.”

Kung papiliin naman siya ng magiging leading man sa isang future project, “Wala po akong maisip na specifically kasi halos lahat ng teen actors ngayon may partner na, eh. Kaya kahit sino po basta mabait.”

Pero idolo rin niya si Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo.

“Fan po kasi ako talaga ng Kathniel,” bulalas ng magandang sixteener.

Grade 10 sa Team Mission Christian School sa Marilao Bulacan si Jhassy. Tatlong pelikula na ang nagawa niya, ang Caught In The Act, Genius Teens, at ang upcoming film na Home I Found In You.

Lahat ito ay ginawa ni Jhassy habang may pandemya ng COVID-19 kaya puwede na   kaya siyang tawaging Pandemic Breakout Female Star?

About Rommel Gonzales

Check Also

Camille Villar Willie Revillame Manny Villar

Camille nananatiling kaibigan si Willie (lumipat man sa TV5)

I-FLEXni Jun Nardo LAYUNIN ni Congresswoman Camille Villar na makatulong sa film industry pati na rin sa …

Rita Daniela

Rita biniyayaan ng malusog na dibdib magpapabawas kaya?

I-FLEXni Jun Nardo WALANG planong magpabawas ng boobs ang Sparkle artist na si Rita Daniela kahit isa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Sikat na male star may pa-live show sa hotel, pwede pa ang ‘pasabog’ kung may dagdag

ni Ed de Leon NAGULAT kami nang sunduin ng isang kaibigan noong isang araw at …

Andres Muhlach Atasha Muhlach

Atasha natural na komedyante, Andres malakas ang dating

HATAWANni Ed de Leon NAGIGING natural na comedian si Atasha Muhlach simula nang mapasama sa Eat Bulaga. Marami …

Floy Quintos

Batikang direktor na si Floy Quintos pumanaw na

HATAWANni Ed de Leon NAGULAT din kami nang mabalita noong isang araw na namatay na …