Saturday , July 26 2025
arrest prison

Para sa bigas at toma vs Karding
KELOT ‘SUMALIKWAT’ NG BATERYA NG BANGKA NAGHIMAS NG MALAMIG NA REHAS SA NAVOTAS 

SA KULUNGAN sinalubong ng isang 23-anyos na ‘naghanda’ ng bigas at toma sa pagdating ng super typhoon na si Karding matapos nakawin ang baterya ng bangkang pangisda ng kanyang kabarangay sa Navotas City, nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang  suspek na si Alexander Pascua, 23 anyos, residente sa M. Ablola St., Brgy. Tangos – South.

Batay sa ulat ni P/SSgt. Joseph Provido kay Navotas  City police chief Col. Dexter Ollaging, dakong 3:00 am nang inspeksiyonin ng complainant na si Madel Del Rosario, 34 anyos, at kanyang mister, ang kanilang fishing boat sa Coastal Dike, Pantay-Pantay St., ng nasabing barangay habang naghahanda sa masamang panahon.

Dito, nadiskubre ng mag-asawa na nawawala na ang baterya ng kanilang fishing boat kaya pumunta sila sa kanilang barangay at ini-report ang insidente.

Sa tulong ng mga tanod na nagsagawa ng pagsisiyasat sa nasabing lugar, natagpuan ang baterya sa saksing si Jerbie Tiozon, 36 anyos, na ibinenta umano sa kanya ng suspek.

Inaresto ng mga tanod ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Theft, habang nabawi ang 6SM 12-volt battery na nasa P6,000 ang halaga.

Sising alipin man ang suspek dahil aniya’y ipinambili niya ng bigas at ang iba ay ipinang-inom, wala siyang magagawa kundi maglamyerda sa preso dahil walang pambayad sa ninakaw na baterya. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng …

Marilao Bulacan Police PNP

3 “tsongki” boys huli sa pot session; Damo, boga nakumpiska

ARESTADO ang tatlong indibidwal sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Loma De …

Arrest Shabu

Bossing ng mga tulak timbog sa Nueva Ecija

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng isang notoryus na tulak sa lalawigan ng Nueva Ecija nang madakip …

BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga …