Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Idol Philippines Season 2

Khimo, Ryssi, Kice, Ann, at Bryan binago ng Idol PH ang mga buhay 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MALAKI ang pasasalamat ng Idol Philippines Season 2 Top 5 na sina Khimo Gumatay, Ryssi Avila, Kice, Ann Raniel, at Bryan Chong sa pinakamalaking talent reality show ng bansa sa ginawang pagbabago nito sa kani-kanilang buhay.

Anang Idol PH Season 2 grand winner na si Khimo, “’Idol Philippines’ was indeed a humbling experience and also a blessing po.”

Muntik na kasi pala siyang hindi sumali sa kompetisyon.  “Actually po, noong una hindi po dapat ako sasali ng ‘Idol Philippines’ pero sa tulong po ng mga taong nakapaligid   sa ’kin sila ang nag-push na sumali ako. Ngayon po, I’m beyond thankful na sumali   ako rito sa ‘Idol Philippines,'” aniya at nangakong mag-i-stay sa ABS-CBN Entertainment at sa network dahil ito ang nagbigay sa kanya ng malaking blessings at oportunidad.  

Naging susi naman ang kompetisyon kay Ryssi para makilala siya ng mga tao higit pa sa mga ibinatong kontrobersiya sa kanya.

“Nabago po ng ‘Idol’ ‘yung buhay ko kasi sila ‘yung nagbigay sa akin ng chance na ipakita ‘yung talent ko sa mga tao at iyon ang tiningnan nila at hindi ‘yung mga controversy na nagdaan sa buhay ko,” anito.

Sinabi pa ni Ryssi na, “Ever since, fan na ako ng ABS-CBN. Sumali ako ng ‘The Voice Kids Season 1’ at ‘Tawag ng Tanghalan’ and now ‘Idol Philippines’ so I can guarantee na hindi ako lilipat. Dito ko talaga gusto and dito ako nabigyan ng chance. Solid ako. Wililng akong i-sacrifice ‘yung tulog ko para lang makamit ‘yung pangarap ko and gagawin ko talaga ‘yung best ko para makuha ‘yung pinapangarap ko.”

Bukod sa mga natutunan,mas napalapit naman si Kice sa kanyang mga minamahal dahil sa kompetisyon.

“’Yung family ko from all over the world, they connected even mga family members ko na hindi ko kilala, naglalabasan lang because they watch me,” pagbabahagi niya. “I promise on my life na I won’t transfer to any network after this. I think working really hard and hopefully it doesn’t take away my sanity,” dagdagp pa nito.

Para naman kina Ann at Bryan, mas nakakuha sila ng kompiyansa para ipagpatuloy ang galing sa pagkanta dahil sa kompetisyon na nagtiwala sa kani-kanilang talento.

Ani Ann Raniel nang matanong kung mag-i-stay din ba siya sa network, “Maipa-promise ko na mag-i-stay ako rito. Actually ngayon tumigil ako mag-live stream, tumigil akong mag-study para rito sa Idol. Until now kasi gusto ko bigyan ng time ‘yung career na mayroon ako ngayon, gusto ko siyang i-work out ‘yung craft na ito na mayroon ako.” 

At ito naman ang sinabi ni Bryan, “I will stay of course. Dahil ang Kapamilya sila ‘yung unang nakakita kung anong mayroong talento ako, kung ano ‘yung kaya kong ibigay. Sila ‘yung unang naniwala sa akin. Sila ‘yung unang nagbigay ng chance. And until now naniniwala pa rin sila sa akin kaya mag-stay talaga ako rito. Kaya kong i-sacrifice lahat, kahit ‘yung mga bagay na dati kong ginagawa para sa responsibilities ko.” 

Noong Linggo (Set. 25), nasaksihan ng manonood ang unang pagtapak ng lima sa stage ng ASAP Natin To. Available na rin sa Spotify ang original songs ng Top 5 na My Time ni Khimo; Totoo Na ‘To ni Ryssi; Angels ni Kice; Sa Wakas ni Bryan Chong;  at  Power ni Ann Raniel. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …