Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Jr

Sen Bong mamimigay ng kotse, motorsiklo, laptop, at cash sa kanyang kaarawan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TIYAK na marami ang matutuwa sa espesyal na regalo ni Sen Bong Revilla Jr sa kanyang mga tagasubaybay kaugnay ng kanyang 56th birthday,  ang Alyas Pogi Birthday Giveaway sa Setyembre 25, 2022, Linggo, 6:00 p.m..

Pangungunahan ni Sen. Bong ang naturang live program, ang Alyas Pogi  Birthday Giveaway na mapapanood sa www.facebook.com/bongrevillajr.ph.. Makakasama niya rito ang asawang si Lani Mercado-Revilla at ilan sa pamilya, na magdaragdag-saya sa programa.

Bukod sa sayang handog ng pamilya Revilla, kaabang-abang ang mga ipamamahaging premyong inihanda ni Sen. Bong bilang pasasalamat sa malakas niyang pangangatawan at walang tigil na biyaya—hindi lang sa kalusugan kundi sa kanyang buong pamilya.

Sa pagtutulungan ng mga sponsor, malalapit na kaibigan, ilang negosyante at iba pa,  magbibigay sila ng isang brand new car na  highlight ng programa.

Mayroon ding 10 motorsiklo, laptop, cash prizes na P100k, P50k, P20k, at P10k sa mga mapipili at hindi bibitiw sa panonood. 

Hindi lang ‘yan, magwawagi rin ang may (500) katao ng tig-P1k.

Taon-taong ginagawa ni Sen. Bong ang mamahagi ng cash at gadgets. Tradisyon na ng pamilya Revilla na mamahagi tuwing sasapit ang kaarawan ni Alyas Pogi.

Talagang kakaiba sa darating na Alyas Pogi Birthday Giveaway dahil mas bongga ang mga premyo. 

Walang ibang gagawin kundi tumutok sa programa, sumali sa mga palarong madadali lang at may tsansa na kayong manalo ng bagong kotse, mga motorsiklo, at marami pang iba,” ani Sen. Bong. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …