SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
PATOK at malakas ang dating ng trailer ng May December January movie ng Viva Films na nagtatampok kina Andrea del Rosario at Kych Minemoto kaya naman imbes na sa Vivamax ito mapapanood, sa mga sinehan na. Ang bilis kasing tumaas ng views nito simula nang i-post online ang trailer.
Ito ang ibinalita ni Direk Mac Alejandre sa naganap na digital mediacon ng pelikula kamakailan. Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ng direktor na ang unang sinabi sa kanya at ang pagkakaalam niya ay sa Vivamax lamang ipalalabas.
Kaya tuwang-tuwa si Direk Mac nang malamang sa sinehan ipalalabas ang May December January. “Ang pagkakaalam namin dati, sa Vivamax ipalalabas.
“Nagkaroon ng positive reaction sa trailer, napanood ng mga taga-Viva, and then I got a call from them telling me na cinema release na ang pelikula that made me extremely happy,” anang direktor.
Hindi naman nagdalawang-isip si Andrea sa pagtanggap ng proyektong ito lalo’t mapapasabak siya sa pagpapaseksi at paghuhubad.
Ani Andrea, feeling virgin siya dahil bata nga ang kanyang makakapareha at first time niyang makagagawa ng ganitong tema ng pelikula.
“Alam ni Direk ‘yan kasi it’s been a while but, kumbaga, ibinigay ko na lang talaga ‘yung tiwala kay Direk because baka hindi ko nga magawa. So, I’m happy naman that I did.”
Ani Andrea tinanggap niya agad ang project dahil bukod kay Direk Mac, napakaganda ng kuwento na isinulat ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee.
“I always say that this is once in a lifetime opportunity. I don’t know if I’d be able to be offered a project like this ever again.
“I’m very, very grateful. I’ve been in the business for almost 30 years. I’ve never been offered ng ganitong kalaking project until Boss Vic del Rosario called me. Direk Mac was also there with Sir Ricky Lee.
“Alam naman natin na may golden touch si Boss Vic na hanggang ngayon, tinatawag pa rin akong Lupe,” ani Andrea na ang Lupe ang launching movie niya noong 2003.
“And when he called me for this movie, I just had to say yes. There’s no other option. I’m just grateful that I’m in a project like this,” aniya pa.
Sa kabilang banda, iginiit ni Direk Mac na si Andrea ang first choice niya sa pelikulang ito. “Si Andrea ang unang na-cast. She was the only choice to play the mother. Kasi ang requirement, hindi lang ‘yung what we term as hot mama.
“Mas mabigat sa akin ‘yung requirement na kailangan mahusay umarte kasi napakahirap ng role. And si Andrea was the only choice na gumanap bilang central female lead,” paglilinaw ni Direk Mac.
Makakasama rin sa May December January si Gold Aceron, ang gaganap na anak ni Andrea. Mapapanood na ito sa October 12 sa mga sinehan nationwide.