Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AllTV AMBS 2

Mga malalaking artistang tatalon sa AMBS ALLTV inaabangan

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGANG wait and see pa ang mga malalaking artista kung tatalon sila sa bagong bukas na AMBS. Pero ngayong nakuha na nila ang transmitter ng dating ABS-CBN, na 150kw power din, baka nga may sumugal na sa bagong network.

Pero pareho man ang power nila sa Metro Manila, wala namang sinabi na ibinenta rin sa kanila ng ABS-CBN pati ang mga provincial stations niyon, at hindi naman basta mabubuksan ang mga provincial stations nang wala ring permiso sa NTC kahit na may prangkisa sila bilang isang network. Hindi rin nila maaaring sabihin sa NTC kung anong frequency ang ibibigay sa kanila sa probinsiya, paapano kung hindi iyon match sa dating frequencies na ginagamit ng ABS-CBN, ‘di wala rin.

Isa pa, bibilhin pa ba nila ang lahat ng mga provincial stations na may analog broadcast eh malapit na rin tayong mag-migrate sa digital broadcast? ‘Di para na lang silang nagtapon ng pera.

Pero ang suwerte iyong ABS-CBN, dahil naibenta pa nila ang kanilang lumang transmitter at antenna na gamit sa analog broadcast. Pagpasok ng Pilipinas sa full digital broadcast scrap na bakal na lang ang mga iyon. Trenta pesos isang kilo na lang iyan sa magbabakal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …