Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeli Khang Jela Cuenca

Angeli at Jela hindi nauubusan ng ipakikita

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MALAYO na talaga ang narating nina Angeli Khang at Jela Cuenca simula nang magsama sila sa kanilang unang pelikulang Taya. Kasama ni AJ Raval, sila ay tinawag na VMX Crush Viva’s Maximum Crush.  Hindi nauubusan ng bagong ipinakikita ang dalawa sa bawat pelikula na kanilang ginagawa. Tulad dito sa bagong handog nila, ang Girl Friday na tiyak marami ang aabangan sa Setyembre 30.

Ayon kay Angeli, ibang-iba ang role niya sa Girl Friday dahil hindi ito iyong karaniwang napapanood sa mga nagawa niyang pelikula. 

Nakakatuwa po ang role ko rito kasi, usually, I played pokpok roles in my recent projects but dito, mayaman ako as the young wife of a rich politician, played by Kuya Jay Manalo. So sosyal ang dating ko rito, laging bihis na bihis at may suot na mga alahas,” masayang pagbabahagi ni Angeli sa kanyang role sa isinagawang zoom conference.

Proud din si Angeli sa istorya dahil aniya, maganda. “Pareho kaming inaapi rito ni Jela ng mga asawa namin kaya naman may ginawa kami para makaganti.” 

Sa kabilang banda, nasabi ni Angeli na gusto niyang sumubok ng ibang klase ng pelikula tulad ng action. “Para maiba naman. But I’m happy and it’s an honor for me to work with good directors like Brillante Mendoza, Mac Alejandre and now, Direk Joel. I want to thank them for giving me roles na akala ko hindi ko mapo-portray pero nagawa ko naman pala with their help.”

Sa pelikula, gagampanan ni Angeli ang karakter ni Amor, asawa ng babaerong politiko (Jay Manalo) na halos doble sa kanyang edad.   

Kasama rin sa pelikula si Massimo Scofield. si Jojo, na nambubugbog ng asawa at nang makulong sa salang pagnanakaw, ang misis naman ang sumaklolo sa kanya.  

Si Jela si Carmela na sa kabila ng pananakit ni Jojo, lalapitan niya si Amor para palayain ito sa kulungan.  At bilang kapalit, sasang-ayon ito sa kundisyon ni Amor na akitin si Congressman Ibasco at makisiping sa kanya. 

Ang Girl Friday ay idinirehe ni Joel Lamangan at mapapanood na sa Vivamax sa Sept. 30.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …