Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Honey Quiño Arnell Ignacio

Dalawang influencers ng entertainment industry, sanib-puwersa sa OWWA

USAP-USAPAN ngayon ang pagkakatalaga kay Mary Melanie “Honey” Quiño bilang bagong Deputy Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Isang abogado at kilalang movie producer si DA Honey bago siya napasok sa public service.

Si Arnell Ignacio ang bagong OWWA Administrator na galing din sa entertainment industry. Maganda ang naging track record ni Arnell at ‘yun ang gustong sundan na yapak ni DA Honey.

Si DA Honey ang may-ari ng A&Q Entertainment & Primestream, Inc., A&Q Production Films, at AQ Prime. Marami na silang nagawang mga pelikula kabilang dito ang Nelia nina WinWyn Marquez at Raymond Bagatsing na isa sa official entries ng MMFF 2021Ligalig ni Topel Lee starring Nora Aunor, Raymond Bagatsing, at Snooky SernaFairy Tale ni Joel Lamangan na pinagbibidahan nina EA de Guzman at Ate Gay at ang pang-international  movie na Pura Serbidora ni Louie Ignacio na tampok sina Elizabeth Oropesa at Dolly de Leon.

Bago man sa public service ay hindi ito magiging hadlang kay DA Honey na maibahagi niya sa OWWA ang mga nakikita niyang proyekto para sa ikabubuti ng ating mga migranteng manggagawa.

Masasabi ngang masuwerte ang OWWA dahil nagsanib-puwersa sina Arnell at Honey na maituturing na mga influencer ng entertainment industry dala ang mga pagbabago at pagpapabilis ng serbisyo para sa ating mga OFWs at sa mga pamilyang naiwan nila rito sa Pilipinas.

“I’m so happy to be working with DA Honey. Alam ko na nasa puso niya ang pagtulong sa kapwa wala pa man siya noon sa gobyerno. Naniniwala ako sa kakayahan niya at malaki ang maiaambag niya sa OWWA lalo na at marami siyang mga fresh ideas na maaari naming gawing mga project sa OWWA,” pahayag ni Admin Arnell. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …