Friday , November 15 2024
chocolate Toblerone Cadbury

Gustong magbenta kahit walang puhunan
KELOT KALABOSO SA ‘CHOCOLATES’ 

SA KULUNGAN bumagsak ang pangarap ng isang lalaking gustong magbenta ng ‘chocolates’ kahit wala siyang puhunan nang mahuli sa pang-uumit sa isang convenience store sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong Theft ang suspek na kinilalang si Ronnel Torremonia, 31 anyos, residente sa Dulong Bronze St., Brgy. Tugatog.

Batay sa ulat ni P/Cpl. Renz Marlon Baniqued kay Malabon City police chief, Col. Albert Barot, dakong  5:13 pm nang pumasok ang suspek sa isang convenience store na matatagpuan sa Gov. Pascual Ave., Brgy., Tinajeros.

Kumuha ang suspek ng limang pirasong Toblerone chocolate bar na nasa P735 ang halaga at 15 pirasong Cadbury dairy milk chocolate bar na nasa P2,370 ang halaga ngunit hindi nagbayad.

Nakita ni Carolina Lacebal, 40 anyos, shift supervisor ang kahina-hinalang kilos ni Torremonia.

Nang lumabas ang suspek, hinabol siya ni Lacebal hanggang makorner sa labas at agad humingi ng tulong sa mga tauhan ng Sub-Station 2 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Torremonia, hanggang mabawi ang mga chocolate.

Sising-sisi man ay walang magawa si Torremonia dahil kulungan ang kinahantungan ng paghahangad niyang magbenta ng chocolates kahit wala siyang puhunan. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …