Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru at Bianca umamin na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMI ang kinilig kina Ruru Madrid at Bianca Umali sa katatapos na Beautederm mall show sa Ayala Mall Cloverleaf noong Linggo na bagamat hindi direktang umamin sa kanilang relasyon ay ibinuking naman nila ang kanilang saloobin sa isa’t isa. 

Magiliw ang naging pagtanggap ng sangkaterbang nanood sa Beautederm’s mall show kina Ruru at Bianca at talagang namang hindi rin magkamayaw ang kanilang fans lalo na nang ipakilala ni Bianca si Ruru. 

Ani Bianca, “Eto ang talagang may-ari ng puso ko, laging sumusundo sa akin, ang nag-iisang lalaki sa buhay ko, let us all welcome, Lokong, Ruru Madrid!”

Hiyawan ang mga nanonood at tila naging wild ang audience sa ‘di man direkta eh tila pag-amin na nagkakamabutihan nga ang dalawa. Kaya naman kilig overload nang mga oras na iyon.

At lalo pang nagkagulo nang sabihin naman ni Ruru ang, “Siya naman ang nag-iisang babae sa puso ko.”

Bukod kina Ruru at Bianca na nagpasaya at nagpakilig, bongga rin ang sing and dance number nina Jelai Andres at Buboy Villar na parang ang daming gustong himatayin nang tawagin ang dalawa. Bongga rin si JC Santos na first time naming mapanood na kumakanta at sumasayaw. Ang cute sa totoo lang.

At pwede nang magprodyus ng isang concert si Ms. Rhea Anicoche-Tan ,CEO at presidente ng Beautederm, sa Araneta dahil sa ganda ng show. Ang galing-galing mag-show kapwa nina Boobay at Maria Laroco.

Congratulations kay Ms Rhea dahil napakaganda ng show. Marami na namang napasaya ang Beautederm. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …